Touchdown, Manila. After 9 days of being out of town, back to reality na. Wala pa ako masyadong tulog dahil 2:30am ako nagising para maaga sa airport. Nagbreakfast nang napakarami at nagbus agad patungong office. Pumasok ako sa elevator at dun ko lang napansin na amoy bagaheng domestic pala ako. LOL. ano ang amoy bagaheng domestic? ito ay ang amoy ng samutsaring pasalubong ng mga taga-probinsya sa mga taga-Maynila. dilis, tuyo, otap, bagoong, piaya, patola, tandang na pansabong, inahing gagawing tinola, daing, lechon, lechong paksiw na nilagay sa kalderong binalutan ng packaging tape, at kung ano ano pa. pagsama-samahin mo lahat yan at yan ang aking fragrance of the day. parang gusto kong maglaho nang parang bula sa loob ng elevator na talaga namang naramdaman ko ang poot ng mga kasabay ko sa aking nagmumurang amoy. naghilamos at nagpabango at kalauna'y nawala na rin. salamat sa aircon na tumulong sa pagdisperse ng amoy. LOL.
January 6, 2011 ~6pm
Officemate 1: Uy, 9 degress daw sa Baguio ngayon!
Officemate 2: Tara! Baguio tayo bukas.
(aligagang tumakbo papunta sa akin)
Officemate 1: JC, Baguio daw tayo bukas.
JC: errrr, wala na akong pera.
Officemate 2: Libre kita.
JC: ok.
Officemate 2: Tara! Baguio tayo bukas.
(aligagang tumakbo papunta sa akin)
Officemate 1: JC, Baguio daw tayo bukas.
JC: errrr, wala na akong pera.
Officemate 2: Libre kita.
JC: ok.
Walang pinaglagyan ang contemplation, meditation, reflection, at discernment sa panahong iyon. Hindi na nag-abala pa ang brain cells upang gawin ito dahil naniniwala sila sa kasabihang, "Buti pa ang mga biglaang lakad, natutuloy".
Problema #1: Syempre, may plano with Baabaa. Bulilyaso, patay.
Problema #2: Gastos na naman.
Solusyon sa Problema #1: Move to tonight ang plano. Aprub!
Solusyon sa Problema #2: Wala.
Hindi pa umiinit ang mga paa ko sa kaMaynilaan ay lalakwatsa na naman. Ni hindi ko pa nga nakausap ng matino ang mga tao sa bahay. haha!
January 7, 2011 6pm
Napag-alaman kong kumuha pala ang isang kaofficemate ko ng bus ticket nung gabi. Na-bully sya nang walang kalaban laban, sya na ang nauto para bumili ng ticket. hahaha! Bus ticket, check! Backpacks, check! Funds for the trip, check! Itinerary, unknown. Accommodation, none. "Come What May" ang subject ng email na nagcicirculate sa apat na taong nangahas umakyat ng Baguio nang walang kaplano plano.
January 7, 2011 11:15pm
Tumungo na ang grupo papuntang Baguio. Di makatulog nang maayos. Dumating ng alas kwatro y media ng madaling araw. Hanglamiiiiiiig. 13 degrees C. Humigop ng mainit na Lomi sa isang karinderia sa tabi tabi kasama ang mga basag na basag na mga manginginom. Burnham Park. Mines View. Good Shepherd Convent. Camp John Hay.
January 8, 2011 ~9am
Breakfast at Mile Hi Diner sa Camp John Hay nang biglang tumamlay ang mood. Hindi ko alam kung sadyang nabagot ang isa naming kasama sa pagkain nya or talagang sumama ang pakiramdam nya. Nagsink-in na ang pagod at puyat sa amin. Oh no! (di aktwal na reaksyon dahil lowbat na) May return ticket na kami mamayang gabi. Pano yan? (Sa panahong ito, lupaypay na ang isa naming kasamahan. Nakatulog habang nakasandal sa pader. Buti naisipan nyang lunukin yung kinakain nya bago mawalan nang malay at pansamantalang humimlay.)
Naisip naming kumuha ng hotel para may pahingahan, ihian, taehan, hilamusan, paliguan kami. Agad agaran naming tinawagan ang Victory Liner upang magparebook. Bawal via phone. Kelangan bumalik sa terminal. Sa puntong ito, natatae nako. hahahahaha! Sing lakas ng pananampalataya ko sa Diyos ang kapit ng call of nature kaya buti naman. Ngunit, anong petsa na, wala pa kaming hotel. Mabuti naman at may tumulong na taga Tourism office at nakahanap kami ng hotel. From 11-2pm, wala kaming ibang ginawa kundi matulog. hahahaha! Ang mga sumunod na eksena ay pawang mga pagsasayang lang ng oras at hindi na kelangan aksayahan pa ng panahong idetalye. Wala na kami halos napuntahan.
Reason #1: Sumakit ang tyan ni Officemate #2. At napag-alamang meron syang Dyspepsia. Nagpapabili ng froyo (Frozen Yogurt). shala!
Reason #2: Tatanga tanga sina Officemate #1 at Officemate #3 at pumunta ng Baguio nang walang mga karampatang kasuotan. Nakatsinelas ang gaga. Walang extra shirt ang gago. Ayun, pumunta pa ng SM Baguio para mamili.
Reason #3: Natulog na naman ako. hehe. Natakot na baka masira din ang tyan ko, nagpabili na rin ako ng Yakult with live Lactobacillus casei Shiroti strain.
Nagdinner kami sa Nevada Square ng bandang 9pm. Sa mga oras na 'to, nanginginig na ang intestines ko sa sobrang lamig. Hindi na nag-abala ang sipon ko para tumulo dahil alam nyang maninigas din sya paglabas. Walang kwenta ang kinain naming inihaw na mga seafood. Nahiya naman ang rubber sa pagkakunat ng pusit at pork barbecue. Nagpakamatay na ang mga porcupines sa hiya sa dami ng tinik ng bangus at tilapia. Traumatic ang experience na yun. Malala pa nito, pinapalabas sa TV ang Bench Blackout underwear fashion show. Napapatingin ako sa mga magaganda at seksing babae! CHAROT!
Infairness sa mga taga-Baguio, dami kong nakitang cutiepie. (Message Text Alert: "Baabaa, ang mata ha?") wahahahaha! Good boy ako no. Behave. Prim and proper. Dalisay. Conservative. Virginal. [insert thunderstorm here]
Lumipat na kami ng bar upang uminom. Reggae ang banda. Feeling adik ang lahat. Nakakaisang baso pa lang kami, isang kalunos lunos na pangyayari ang naganap. Uuwi na raw si Officemate #2. Repeat performance ang stomach trouble. Hindi nya na-anticipate na pagkatapos ng dyspepsia, eh talaga namang magtatae sya. Malas. Bilang proxy boyfriend, sinamahan ko sya bumalik sa hotel. Hindi na kami nakabalik pa. Naiwan ang dalawang tatanga tangang kasamahan na nagsususuka kinaumagahan. Hahaha!
January 9, 2011 8am
10:15am ang alis ng bus. Nagbibreakfast pa lang kami. Mamimili pa kami ng last minute pasalubong. O, edi Amazing Race Baguio ang naganap. Bumili ng strawberries, lengua, t-shirt, tumingin-tingin ng walis tambo, walis tambong maliit, sarong, shawl, at kung ano ano pa. Alas diyes nang kami ay nakapagcheckout. Dumating sa terminal ng 10:10am. Host: "Come what may" group, you're the last team to arrive (Amazing Race). char char lang.
January 9, 2011 3:30pm
Welcome back to myself. Eto na. Manila na talaga. Iwas out of town muna. haha!
Congratulations! Umabot ka na sa dulo ng post na 'to. Salamat at pinagtyagaan mong basahin ang blog entry na 'to. Wag maghuhugas ng mata pagtapos, baka mapasma.
It's a wrap yow!

25 comments:
wow, parang ang saya saya. hindi ko keri ang ginaw na yan. babakat ang nipples ko. char!
hahahaha. ayoko ng ganyang bigaang lakad dahil gusto ko maayos lahat. kaya madalas hindi natutuloy ang mga lakad. drawing ang mga kasamahan. LOL
Virginal,
Natatawa ako habang binabasa ang entry mo. Nakakapagod din, ang daming twists and turns. HAHA.
Glad you are safe at nasa Manila na. Ang pera masasahod mo ulit, kaya Banchetto naman next time at dapat kasama na ako.
Gusto ko ding maging officemate si officemate mo, nanlilibre eh. Haha.
-Karps
meron pa bang natirang lechong paksiw na nilagay sa kalderong binalutan ng packaging tape? pahingi! haha!
gulatan portion ang lakad nyo ah pero mukhang nag enjoy ka naman sir.
January 10 na ngayon!
sana pinaabot mo na ng Jan 10 ang diary mo! at Nahilo ako sa haba ng Title ah? Akala ko isang maikling kwento na ang title, hahahahaha.
welcome back Papa JC!
Ikaw na si Dora the Explorer..hahaha
Natatawa ako habang nagbabasa ng blog mo :)
Napagod ako sa byahe nyo JC pero nakakatawa naman. Gusto ko yang mga lakad na yan... yung tipong wala sa plano, kinabukasan go agad.
Welcome back. San ka pala galing na province?
tama, pag di planado, yun pa ang natutuloy. ma try nga yan minsan, mukhang masaya mag adventure ng biglaan ah, hehe.
Pasalamat ka at magaling mag-adjust ang baabaa mo. Nag 360 degree flip kaya ang schedule niya. Lolz.
ang kulet!
I agree with sir mB^, ikaw na si Dora! :))
-runway_1533
hahaha. nakasinghot ka ata ng sugar kuya! ang kulet!
para san ung walis tambong maliit??? hihihi
ikaw na ang lakwatsero... :D
ayon oh may piyaya... :D
parang nakakahilo yata ang amoy bagaheng domestic. hehehe
empi
misschuni: eh kasi naman magbra ka teh! hahaha!
jepoy: ay nako subukan mo minsan! masaya kasi may thrill! hehe.
karps: sige sige, pag nakaluwag luwag nang konti. sa-id na sa-id na talaga ang resources ko ngayon. lols.
Carlo: naku ser, hindi ko bagahe yun unfortunately hahaha! pastry lang ang dala ko pauwi na delicacy sa probinsya namin. :)
Papa P: miss you fafa, mwaaah! pero.... hoy! bakit ayaw mo magpacomment sa blog mo? wahahaha!
MB: backpack backpack! lols.
James MI: city of smiles sir :)
Papa Maxwell: oo exciting talaga! try mo rin! hehe
Anonymous: oo no, tsaka ang bait bait nun! ;)
runway: haha thanks!
Nimmy: pwede sya panglinis ng keyboard. ang liit liit nya talaga. lols.
empi: nakakahilong tunay! kahit ako eh, nahilo. hahahaha!
parang nagbabasa lang ako ng blog version ng 24.
saya ng baguio trip niyo. eventful masyado. :)
ang dami kong tawa dito hahaha..
pwede naman kasing magtanong next time diba? hahahahaha
una, hindi magandang kumain sa nevada, hindi rin magandang uminom dun, pangalawa, kahit na shala-shalahan ka, di rin magandan na basta kumain sa mga karinderya kung san-san sa baguio.. trueness na nakakasira ng sikmura kung minsan ang mga lafang nila. pang-apat.. hindi talaga pwede ang by phone sa victory.. panglima.. nag-adik lang kayo.. hahahahahaha
haha natawa ako sa commentus ni yanah.. sanay na snay s baguio.
niwei, welcome bak papa jc,, dapat sinama mo aketch.. pakilala mo dn ako sa ka officemate mo na nanlilibre.. wahaha
Dumaguete ba yung City of Smiles or Bacolod? or Iloilo? Just asking. hehehe
hangsaya naman ng ginawa nyo..
mas maganda nga ung biglaan kasi mas natutuloy,, ung nga lang,, mejo may mga flaws pa rin tlga..
pero least di ba?? napagod ka ng bongga pero enjoy.. hehehe
Angtagal mong nawala a. Welcome back WK!
engel: aba onga no? hahahahaha!
Yanah: dun na kami nagtanong tanong ma'am. experiences, bad or good, that's the fun in random trips. ;) adik kami LOL
papa dingding: ganun yata ako kasarap kasama kaya nililibre. char!!
James: naku sir, i-google mo para masurprise ka. hahaha!
ceiboh: tuhmuhhhh! :D
canonista: lately lang ako nakabalik sa sibilisasyon. salamat! :)
welcome back! ang saya naman at nahilo ako sa dami ng nangyari. parang zigzag lang papuntang baguio.
lab ko na din blog mo ^^
HMMMMM...i'm sure may nangyaring tikiman sa magba barkada bwahahahhahahaha....di ba seloso si baabaa? bwahhahahah ching!
Sean: haha nahilo ka ba? sorry naman. :p
Seth: aww thanks! :)
Papa Solts: hallerrrrrr, hindi naman kami sinapian ng espiritu mo no! bwahahaahahaha! hindi seloso si baabaa so far. haha!
Post a Comment