Recent Posts

Monday, November 22, 2010

ang paglubog ng araw

sa tanang buhay ko, hindi ko naranasang dayuhin ang tagaytay, laguna, o batangas nang wala wala lang. ano ko, adik? hehe. usually, pag may outing saka ko lang napupuntahan ang mga ito. puro south, hindi pa kasi ako nakakadayo sa norte. ni hindi nga ako masyadong pamilyar sa QC hehe. since pangarap ko rin naman magroadtrip nang bigla-biglaan, mejo lumapit lapit ng onti sa norte, sa east naman kami pumunta nitong linggo. napakalayo... sa sobrang layo, nagjeep lang kami. sa antipolo. LOL.

tagaktak ang pawis ko papunta bilang ako na ang cold-blooded organism na konting init lang ay pwede nang ipanligo ang pawis. lagkit na lagkit na parang ta**d lang... parang tayrd lang. chos. pero dahil na rin sa dala nang matinding excitement at GV (good vibes), di naman na ko na-dyahe masyado. hehehe.

ang sarap ng simoy ng hangin habang nasa byahe, fresh na fresh, parang ako. lols. unti unti na ring lumalamig kahit na alas kwatro pa lang ata nun at mejo tirik pa si haring araw... aaat sa wakas nakarating din kami sa aming pupuntahan. isang hotel/resto sa tuktok ng antipolo overlooking the city. ganda ng view, nakaka-relax. pwede kang mag-isip isip. pwedeng temporary escape from reality.

dali dali naman akong bumunot ng selpon para makunan ang paglubog ng araw (pagpasensyahan ang quality ng photos, wag kayong maaarte). somehow, i find peace in sunsets. i love them more than sunrises. i dunno, it's the most romantic view for me. yiii! mas maganda manuod ng sunset sa manila bay (daw) pero di rin naman 'to pahuhuli. top of the world ang drama. CHING!




nung dumilim dilim na, napagpasyahan naming bumalik na ng Maynila. napagpasyahan ko rin pansinin ang aking suot. mukha pala akong callboy. wahahaha! black fitted shirt, gray pants, black football shoes. it's either mapagkakamalan mo akong callboy or snatcher bilang haggardo versoza na aketch sa maghapong pagpapawis. LOL.

isa ito sa pinakamasayang araw. November 16, 2010.

bow.

EDIT: Pasensya na pala hindi maganda pagkakasulat. Mejo minadali ko 'tong i-blog kaninag madaling araw. hehe. Kainis, tinatamad nako magrevise. -.-

26 comments:

Anonymous said...

happy na naman? pa share kasi ng root cause ng happiness. since last post ko pa sha inaabangan.

ching!

Bloiggster said...

yiheeeee!

teka hotel ba kamo o motel? isang lugar lang meron nun sa may overlooking... sigurado ka na init ng araw lang dahilan ng pagpapawis? hihihi

yanah said...

wow.. haaannggg ganda!
di pa din ako nakapunta ng antipolo..
ang loser ko hahahahaa
wala namna akse ako kakilala na taga dun eh ayoko naman magexplore dun sa place na un ng basta-basta mag-isa.. nag adik lang lol

Ms. Chuniverse said...

haaayyy... i remember valley golf.

sa photography mo, you just need the right tool (a dslr camera) pero maganda na ang composition mo. may future. hehehe

=)

my-so-called-Quest said...

wow galing ng kuha ah.
at extension ba ito ng happy moments?

buti di ka dumaan ng qc circle? mapagkamalang callboy o snatcher. hehe.

Canonista said...

Infairness, magagnda kuha!

Guyrony said...

The pictures convey an overwhelming feeling.

Good job, these are great.

And oh yeah, congrats. As if I'm late about the news.

Wheeeee!

eMPi said...

Ang ganda ng sunset!




empi

Lone wolf Milch said...

nice picture nice sunset look romantic hahahaha

casado said...

ang tanong..cno ang ksama mo? ehehe

so bale magiging PHOTOBLOG na ba ito from now on? bwahhahahaa..

ching!

egG. said...

ang ganda ng sunset kahit hindi sa manila bay!!! sabi nga nila manila bay is the best sunset in the world....

sana masaksihan ko din ang romantic sunset na katulad niyan balang araw... yung may kasama ka... tapos biglang uulan.... sabay patak ng luha.... lolz.... :)

jc said...

papa yong: araw araw naman ako happy eh. at bakit parang ayaw mo yata? wahahaha!

papa trench: nu ka ba, wholesome aketch. chos! hahaha!

yanah: pag nasa maynila ka na, malapit na lang 'to. madali lang puntahan ;)

ms chuni: hmm, anong naganap sa valley golf aberr?? shalaaa ah! lols. uy thanks, kelangan ko ng sponsorship para sa dslr, volunteer ka? haha chos!

ced: di nga ako dumaan ng QC circle, dumaan naman kami ng Cubao, kaya feel na feel ko ang aking image. lols.

Lasher said...

hangganda!!!!!!1

jc said...

canonista: naks, i'm tats. hehe.

guyrony: thanks! and uh, what news? lol.

empi: honga.. at talagang nagpakilala ka pa sa comment mo. hahaha!

hard2get: yeah.. thanks!

papa solts: same old same old papa solts. business as usual. haha.

egG: adik. romantic sunset, may kasama, tas iiyak? lakas ng trip. hahahahahah!

Sean said...

romantic. di ba sa antipolo rin yung paradahan ng mga kotse na may milagrong nangyayari? hmmmm...

jc said...

lasherations: uy salamat! =)

Sean: hmm, never heard of that. hmmmmmmmmmm.......... ma-try nga. choz! ahahaha!

Anonymous said...

ang sarap ng profile pic!

bekipose? joke bhe....

ateJ

Marhk said...

D'Whu ang kasama ni Jc sa antipolo? lolz
kilala ko hahaha

jc said...

ateJ: gaga, di yan bekipose no. hmpf. hinahawakan ko ang camera kaya nakaganyan bhe. at talagang nag-explain? hahahaha!

papa marhk: ano na namang kalandian yang pagpapalit mo ng pangalan aberr?? ...at pano mo naman nalaman kung sino? (or sino-sino? wahahaha orgy?) tindi ng signal mo jan ah. lols.

Marhk said...

sisteret naku ang balita abot sa Puerto Rico! lolzz ampotah long hair lang hahaha

soltero said...

hay naku yung isang post ayaw magpa comment kc mabuburaot lang sya ahahha..halata nga Papa Marhk, kumbaga magkadugtong ang pusod ng mga posts hihihi..

hangsweeeet...may I look pa sila sa sunset habang holding hands hihihi at naghalo halo pa!
(inggit lang lols)

CHING!
(teka halo halo nga ba un? lols)

dark_knight said...

nice one papa jc. ^_^

meron atang 'may i hold your hand' talaga habang watching ng sunset..

Marhk said...

@Dark: inggit ka na pagawa mo din sa dyowa mo yan na buraot hahahaha

@soltero my labs: hanibah masyado mo naman obvious ang D'Whu na kasama ni jc sa antipolo? lolz

Unknown said...

sun never fail to amaze everyone.. ganda talaga

soltero said...

@ ppa marhk - teka teka, dyowa ulit ni papa dingding c papa buraot? bwahhaha ching!

Fickle Cattle said...

Ang ganda ng pagkuha mo ng paglubog ng araw. Nakakatuwa.

http://ficklecattle.blogspot.com/

Post a Comment