Recent Posts

Monday, February 14, 2011

ang haba na naman ng post na 'to pero happy valentines hehe!

Disclaimer: Ang korni nang post na 'to. Proceed with caution. Wag kang magsusuka pagtapos, binalaan kita, ginusto mo yan. hahahahah!

nagkakasabay na kami noon sa isang body and fitness thread sa isang pinoy forum. dati pa lang, mataas na tingin ko sa kanya. idol na idol ko sya pag nagpopost kasi laging may pagka-intelektwal pero alam mong hindi naman nagyayabang. nakakaintimidate nga lang at sya yung tipo ng poster na hindi ko kaya biru-biruin baka magalit. kras ko naman sya nang slight dahil jan. hehehe. may mga beses nagkakasabay kami sa pag-online. nagpost ako ng tanong sa aking workout program dahil parehas naman kami ng pinupuntahang gym. umasa naman ako na sana siya ang sumagot sa tanong ko. makalipas ang ilang refresh ng page, eh aba, nagreply nga. kinilig ang betlog ko nang very very light. ahahaha! pero itong si koya, parang wala man lang ka-amor amor kung magreply. prim and proper. ang cold cold. lalo tuloy ako na-intimidate. suplado much ha? irita avila akey. sa ganda kong to. char. hahahaha!

dumaan ang buwan, nanawa ako sa pinoy forum na yun. sa mga sites na tulad nun, ang mga tao ay nabubuhay sa anonymity and pretenses. sa impluwensya na aking kaibigan, napadpad ako sa blogger. dito ko nakita ang bago kong tambayan. at least dito, mga totoong tao talaga ang nakakasalamuha ko, face-less man ang iba, pero at least alam mong totoong nageexist sila. hehe. gulo ba? basta yun na yun.

tadhana yata na makita ko ulit si koya dito sa blogger. sya pa ang unang follower ko. hehe. impernes naman sa kanya, hindi nya ako sinupladuhan at todo welcome naman sya sakin. ako naman, intimidated ulit lalo pa't senior citizen na sya sa blogger. charot. hahaha! di naglaon, inimbitahan ako sa isang grupo --- ang engkantos. mejo shushunga shunga ako nun at talagang nagfill out ako ng application form at sinend sa Diyosa at kay supladong koya na senior citizen na din pala sa grupo. char ulit. hahaha!

binigay ni MB ang number ko kay koya at dahil sya ang naatasan na kitain ako, kami na ang magkatext. pero sa araw na dapat eh magkikita na kami ay biglang di natuloy dahil "busy" daw sya. TSE! ayaw pa ako kitain? haller???? nanuod na lang ako ng sine... imbyernadette sembrano.

sa kalagitnaan ng movie tinext ako ng Dyosa at inimbitahan ako sa isang inuman. at dahil fan na fan ako ng biglaang lakad, flylaloo aketch sa cubao. NAKAKALURKEY! hindi pa ako napadpad sa cubao nang gabi, maliban sa isang beses na nanuod ako ng concert sa Araneta Coliseum! lols. iniisip ko na kung ano ang kahihinatnan ko, murder? holdap? rape? CHING. pero nalurkey ulit ako, ang buong akala ko ay comedy bar ito.. but wait, napansin ko na puro lalake ang mga customers! waaaaaaa! nasa gay bar ba ako!?!? nanginig ang buong kalamnan ko.. pero wala nako nagawa.. sabi ko keribels na, madilim naman.

napag-alaman ko na pupunta din pala si supladong koya para humabol. tumaas ng mga 2millimeters ang aking kilay. ang arte arte ha, ayaw pa ako kitain. tse! maya't maya ay dumating na nga ito si koya. dahil ms. congeniality aketch, kibur na sa pagkasuplado ni koya in the past. mega smile and usap na ako sa kanya bilang magkatabi naman kami. habang natatawa ako sa stand up comedians sa stage, nakikita ko sa peripheral vision ko na panay ang sipat ni koya sa akin ha. but no, kiburlah ang beauty ko. taken na ang heart ko for papa johnny cursive and papa lukayo. hahaha at talagang dalawa sila? LOL. i swear, crush ko kagad ang infectious laugh ni papa johnny at ang cutie pie cutie pie na si papa lukayo. hahahaha!

natapos ang gabing yun, nagkatextan ulit kami ni koya. itago natin sya sa pangalang Mu[g]en. lols. text text... text text... text text... text text... teka, parang nagiging sobrang acquainted na kami ah. masyado naman kaming sweet sa isat isa.. "kumain ka na?", "hintay kita umuwi." ang mga linya ni koya. nung una eh wala naman akong malisya dahil nasa mga panahon akong ang kelangan ko lang eh mga kaibigan. hindi ako naghahanap ng kung ano mang lovelife. pero nung mejo nagiiba na ang pakiramdam ko eh tinext ko sya ng ganito, "pansin ko lang parang masyadong sweet ng mga texts mo, ganyan ka ba sa lahat ng kaibigan mo?" hahahhaa. malay ko ba kung ganyan lang talaga sya. nagreply sya ng napakamakabuluhang.. "sa'yo lang". ayiiiiiiiii! PAK na PAK!

i told him that we take things slow. i don't wanna rush into things like i did the first time. he agreed.

as i look back, inisip ko na yung taong intimidated ako at dati hindi ako pinapansin dun sa body and fitness thread sa isang forum eh syang magdadala sakin sa Antipolo para panoorin ang paglubog ng araw, syang magsosorpresa sa akin sa ground floor ng opisina, syang magdadala sakin sa banchetto, syang magtatanong kung kumain na ba ako, syang mag-aalala pag may sakit ako, syang iintindi sa lahat ng problema ko, syang magiging savior ko sa maraming bagay, syang unang boses na naririnig ko sa umaga, huling boses na naririnig ko bago ako matulog, syang yayakap sakin pagmatutulog, syang nanakaw ng halik habang ako'y tulog, syang magkukumot sakin at syang gumigising sa akin araw araw.

hanggang ngayon paminsan di pa rin ako makapaniwala na sya na pala yun. yung humawak sa kamay ko sa bus, sa fx, sa mcdo, sa UN Avenue noong October 15, 2010 kung saan nagsimula ang lahat.

halos apat na buwan na ang nakakaraan ang bilis bilis lang! haykentbelibet! haylabet! hahaha. gaya ng mga long walks namin pauwi, kahit mag-amoy usok at mangati ako pagdating sa bahay, sobrang saya ko lang sa apat na buwang nagdaan.

baabaa, sana eh umabot tayo hanggang sa pagtanda para di mo na aalahanin ang pwesto mo sa home of the golden gays ahahaha. ako na mismo ang mag-aalaga sayo poreber. :D kahit suplado ka, mahal na mahal kita.

Happy Valentine's Day, my Joms, my Mu[g]en, my Baabaa! mwah mwah mwah tsup tsup tsup! hehehe.

Ito yung alay kong kanta para sayo. Tanggalin ko na lang maya-maya alang alang sa kahihiyan. Post ko 'to dahil ito ang balentayms gift ko para sayo. (yuck, kapal ko wahahahahahaha!)



22 comments:

MkSurf8 said...

happy balentayms sa inyo ni joms ;) ang dense ko kasi bago ko lang na gets na kayo pala ang mag- babaaaaa hahahaha

cheers to more loving years. char!

Désolé Boy said...

awesome read!
.
.
carry more love for the loveless!
.
.
happy valentine's day.
[ p.s. bsta fan ako ng labtim nyo ni kuya mugs =p ]

Ms. Chuniverse said...

Hahaha! Ay ako na lang yata ang walang kamuwang-muwang.

IKAW PALA SI BAABAA!!!!!

Punyetah! Hahaha! Oohhh.... i laveett!!!!

Happy Valentines sa inyong dalawa. Sagot ko na ang 3 hours sa Sogo mamaya.

my-so-called-Quest said...

ang sweet naman! :D

happy valentines day sa inyo ni mugen! more to come ika nga

pero natawa ako nung sinabi mo na "senior citizen na sya sa blogger" peace!

Anonymous said...

Happy Valentine's Day! :)





empi

Anonymous said...

i've been following joms for years now. tulad mo, hanga rin ako sa pagsusulat nya. ang sarap basahin na tipong di mo na kailangan pang balikan para intindihin kahit sobrang lalim na ng english nya, lol! nadiskubre ko rin ang blog mo dahil sa latest entry nya. pero teyka lang, baklush ba sya? hihihih... dahil nung una ko syang makita, ang laki ng katawan, nakabull-cap, at feeling ko puro kaliwa ang paa.

pakisabi na lang na mahal ko sya
di na baleng may mahal syang iba (ikaw)
pakisabi na lang, wag mag-alala
di ako umaasa...

aiza

blagadag said...

halung mo nga duwa ha! enjoy lang. indi mag ginamo.

Louie said...

JC, I'm a longtime member of the Baabaa fans club! I'm so glad you found each other. Alagaan mong mabuti idol ko ah? Hehe! Happy Puso sa inyong dalawa! :D

P.S -> Naks ganda ng voice! :D

Jpy Dee said...

ang emotional ko lang jc. naiyak talaga ako dito sa opsina. LOL.

happy vday sa inyo ni boss mugen. LOVE LOVE LOVE :)

DSM said...

happy vd sa inyo. you know i'm rooting for you guys!

egG. said...

happy balemtayms.. ang sweet lang....

natatawa ako dun sa mga artista mong salita hagalpak ako ng kakatawa... nice nice nice...

nawa'y pakabusog kayo ng baabaa mo ngayong balemtayms :D

RainDarwin said...

Bigla akong naluha hehehe. Dahil siguro masaya ka at si papa Joms. Sana tumagal kayo. Matagal na matagal.

(Teka nakikiliti ang paa ko... susko! natatapakan ko ang patilya ni papa joms!)

red the mod said...

There is no 'one true love.'

You choose to make the love you have both one, and true. Happy Valentine's Day to the both of you.

red the mod said...

Oh, and in Fairview, may boses ka. Videoke nga minsan. Hehehe. :)

MaginoongBulakenyo said...

Wow! Umaapaw ang pag-ibig :)

Happy Valentines Day!!!

YanaH said...

love is in the air!
nakanaks!

natawa ako sa part na "i told him that we take things slow" parang naimagine kong umeksena ka ng pagkanta ng "so slow" wahihihi

happy hearts day!


hangggg damengggg langgam!

Marhk said...

Kalurkey!! kala ko ng babasa ako ng liham kay ate charo hahahaha!!!

well happy for you guy's promise!! di ako kokontra dyan sa love love love nyo! mwahugsss!!

pero like ko yan crushie ko din si papa lukayo at si papa johnny hahahaha!! sabi ko nga sa dalawa if they need 3rd person sa threesome volunteer ako hahaha kalurkey lurkey!!

Nimmy said...

awwwwwwwww. ang mushy mo! hehehe

"sa'yo lang". ayiiiiiiiii! PAK na PAK!

sobrang kilig 'to ha! hanep sa banat! aylabet!!!!!!

more more love and joy guys!

orally said...

Happy Valentine's Day to you and Mugen

Sean said...

buti naabutan ko saglit kagabi yung song. hangswit! ang sarap magbasa ng love story ng mga couples. congrats sa inyo ni master mugen!

ardent1 said...

Ang sweet naman ng post na to.. Siguro naappreciate ko lang talaga dahil sa nakasama ko rin si Mugen sa inuman nun.

Ok sya and unang tingin mo palang, alam mo ng mabait.

Nakakakilig lang kayo. Hope tumagal pa kayo. :)

----

PS: Late reply, ngayun ko lang nabasa. Hehe.

wandering emo said...

So sweet :)

Fan na rin ako ng labtim nyo mula ngaun hihihi

Post a Comment