Recent Posts

Tuesday, February 1, 2011

libre lang mangarap, managinip ka habang gising!

when we were kids, we build our dreams from the games we play. we diagnose our playmates with our toy stethoscopes and dream someday we'd become bad-ass surgeons. we cut leaves into pieces and put them under our plastic microscopes and dream someday we'd be world-renowned scientists. we type random, non-sensical words on our keyboards and dream someday we'd revolutionize the world with our web inventions. kids as we were, we create the biggest and wildest of dreams. we hold on to it and eventually BE it.

yeeesss, gara ng intro. angas. syet. hahaha! bilang hobby ko na ang mag-hiatus weekly, ngayon na lang ulit ako nakapagblog. hehe. mejo marami ako mga naiisip na ibblog ko dapat kaso wala lang time para icompose. kung tungkol saan ang blog entry na 'to, bukas ko na sabihin.

ching! eto na. sa next paragraph. dali, scroll down.

towards the end of 2009, i accidentally stumbled on one of Jason Magbanua's works which totally floored me. i can't remember what's the first video I ever saw, but one that stuck to my mind was Camille Prats' wedding video. I... as gay as it may sound.. have a thing for weddings. I have been planning out my own wedding for the longest time and dreamt of giving a perfect wedding for my perfect wife. inisip ko na ang theme. inisip ko na ang entourage. dapat kakaiba. inisip ko na ibibigay ko ang dream wedding ng magiging wife ko. dahil alam ko sa babae, sobrang meaningful nitong moment na 'to. i wanna give her that. when we're old and gray, isa ito sa mga magagandang memories na babalikan namin.

(straight muna ako sa last paragraph, excuse me na lang sa mga kumakain! wag kayong intrimitida mga teh! hahahaha!)

videography, my new fascination. it's amazing how we can capture (in motion) the priceless moments in our lives. put a musical score. tweak and edit. aaaaaand.... tsaraaaaan! haha. stig! last year, pinangarap kong makagawa din ng ganung obra. pero mukhang imposible kasi malamang sobrang mahal ng mga equipment na ginamit dun at isa pa hindi naman ako film major o di kaya'y may alam na kahit ano sa video editing.

until. i saw this video of Erwan Heussaff around June of 2010. it's just a home video of him (with his sister Solenn) cooking a Canadian dish called, Poutine. hey, i have to start somewhere right? maybe this is a good starting point for me as a total noob. i think it's pretty easy to do this. well, i hope so. hahaha!


i'm not sure what video editing software he used but upon researching, i found out that he was just using a Panasonic Lumix DMC-GF1 point-and-shoot camera in this video. *light bulb* wow, ang dating far-shot sa videography, aba, abot kamay na! heheheh. alam ko meron nang GF2 na nilabas ang Panasonic pero mukhang ayos nako dito sa GF1.


kinonsulta ko yung isang tropa ko na potograper at agad naman nyang binara ang idea ko. hahaha. sabi nya, bumili na lang ako ng DSLR na may HD video recording at gamitan ng malulupit na lenses para sulit ang investment. sabi ko naman, gusto ko yung may out-of-focus blur blur epek. sabi nya, tanga sa lens lang yun. sabi ko naman, tanga bakit nagresearch ako sa youtube yung GF1 lang yung may blur blur epek. sabi nya, tanga maniwala ka sakin. sabi ko, tanga bahala ka. LOL.


mahabaging ate at koya, eto po ang itsura ng GF1. sana'y may magsponsor. hahahaha! joke.




dapat last year pa ako bibili nito pero inuna ko ang kalandian at bumili ng iphone4. so sana makapag-ipon nako this year para dito. aaralin ko na din ang iMovie dahil bopols pa ako dun. at kung may mga pagkakataon sana maka-attend ako ng klase about video editing. meron ako nakita nung isang araw sa Power Mac Center na naghohold ng classes pero tapos na yata.


pasensya na mga friends, sadyang ambisyoso lang talaga ko. hahaha! libre naman mangarap. pag ako gumaling at magtagumpay, libre na ang wedding coverage nyo! gagawan ko kayo ng ala-Maggie Wilson at Victor Consunji pre-nup video. yiiiiii! kakaexcite! hahaha!

16 comments:

red the mod said...

Oh gosh. Pasok sa panlasa ko si Erwan. Geeky eccentric. Nagutom ako bigla.

Ms. Chuniverse said...

magkano ba itey?

jc said...

red the mood: haha. natawa naman ako mejo kakaiba ang comment mo dahil kay erwan. di na nosebleed. lols

mschuni: 26k na lang sya ayon sa kimstore.multiply.com! 30k+ kasi sya dati. :D

RainDarwin said...

mas makakamura nga kung bibili ka na lang ng lenses.

buti ka pa, may pangarap na ganyan. ako, isa lang ang pangarap ko:

ang makabili ng CP na more than 2K ! yung may camera kahit 1 megapixel lang, tapos may memory na kahit 500 megabyte lang (take note Mega ha? not giga), para maka-pagsave ako ng ilang pirasong music na mp3.

sa ngayon kasi, samsung na colored lang ang CP ko, walang camera at walang music player. Talagang pang txt lang at pangtawag hehehe.

Haaays. Sana naman nxt month makabili na ako!

eMPi said...

okey na rin sakin tong GF1... para sa beginner. ;D

Mugen said...

/me titingin sa langit na puno ng mga tala at bubulong...

"In my next lifetime."


Tamang drama lang. Lolz.

red the mod said...

Pahabol, ako magde-design nung wedding gown. Hehe.

jc said...

papa p: pwede ring kabitan ng lenses ang GF1. ;)

Ayos lang yan, sabi nila, Ang mga yumayaman ay yung may simpleng lifestyle lang. Kaya ikaw na ang haciendero! TSE! Hahaaha!

empi: meron ka bang GF1? paturo! Hehe

Baabaa: nyak! di ba nga magiinvest ka sa camera para sa photography mo? :)

red: haha cool.

Desperate Houseboy said...

pagpray ako ang camera pero pagpafasting ko ang wedding. lol

Sean said...

pag legal na ang kasal ng 2 lalake sa pilipinas, ikaw ang kukunin kong photo/videographer.

casado said...

cge dali, gawan mo kami ni _____ ng mala Maggie & Victor video bwahhaha (pero mas malaswa dun) LOL

jc said...

dhouseboy: hahaha. tse! :p

sean: hala, dali ipanukala na sa kongreso para may raket ako!

papa solts: sino si ____ aberrrr??? pwede bang malaman ang identity nya? dali bulong mo sakin.. hihi.

Nimmy said...

ang kulit ng usapan nyo ah! puro tanga! hahahahaha

SLR! SLR! SLR! hihi

Guyrony said...

Who's your wedding planner? ;)

Mac Callister said...

sige ibibili kita, abangan mo, wala ako masyadong hinihinging kapalit, tama na sakin ang pag mamahal mo lang! Choz!!!! hahahha

Anonymous said...

may gf1 ako, solbs ako dyan

Post a Comment