nakakatamad mag-isip kasi tapos isusulat or whatever. gusto ko magsasalita lang ako nang magsasalita. oh bakit di na lang ako nag-artista? ganda puhunan dun teh. alindog lang ang meron ako. CHOS. juskolord, kabahan naman ako sa mga salitang namutawi sa blog entryng to.
maiba ako...
ayoko... ikaw na lang maiba.
chos. labo? hahahahah!
kakalipat lang namin sa isang apartment kasi may pinapagawang bahay, so baka nexshir lumipat na naman kami. on-going pala ang The Bedroom Project ko. ididisenyo ko ang kwarto ko. pero dapat sa bagong bahay to kasi dito sa apartment panira ang pagka-brown ng sahig, di tuloy sya swak sa idea kong minimalistic room na puro dark wood/grey/white ang theme. pero unti unti ko nang kinukuhanan ng gamit para paglipat, sakto na! hehe. parang ganito:
![]() |
| www.neathome.net |
namumuti at nangangayayat ako. (walang konekson sa previous sentences) haha gusto ko lang sabihin. ni walang UV rays ang nanunuot sa balat ko dahil dito lang ako sa bahay talaga at nagkokojic soap pako edi mas lalo. HAHAHAHA! hindi naman ako vain masyado. in-advice lang yan ng derma ko. oh AKO NA ULIT! lols. kaya naman ako nangangayayat ay dahil hapon na ako nagigising. kakain ako ng lunch tapos konting meryenda tapos hapunan na. so kung talagang tutuusin at bubusisihin at talagang kikilatisin upang suriin, eh twice a day lang ako kumakain. at ang lunch ko pa minsan eh tira-tira na lang. buti nga wala kaming pets, kundi, baka mahiya pa ako sa kanila na inaagaw ko ang food nila. maygali.
kaya ang solusyon ko jan eh binili ko ang bar na binibenta ni shoti. magbubuhat ako dito sa bahay dahil tinatamad ako bumalik sa gym. hehehe. tapos oorder ako nang oorder ng fastfood. halos isang buwan din ako di kumain ng fastfood ah maynju!
speaking of movies... (speaking of movies??? hahaha wala naman) ang mga waley sa critics reviews na Super 8, Transformers 3 at Green Lantern eh hindi naman ganun ka waley talaga. ako yung tipo ng viewer na madaling i-please. Ang pelikulang kinaisan ko lang naman talaga ay ang Year One ni Jack Black at ang Masikip Sa Dibdib ni Rufa Mae Quinto na talaga namang pinakapangit na pelikula na nagawa sa lahat.
ang super 8 ok naman pero ayoko lang na yung may suspense sa trailer kung ano ba yung kumakalabog dun sa nawasak na tren. syempre reaksyon ng mga tao, hala ano kaya yun? monster kaya yun? si superman kaya? tapos malalaman mong monster din pala, eh parang "ay.... yun na yung lumabas? wala na bang iba jan? pagkatapos ng lahat ng pagpapasabik, nahulaan ko rin pala ang lalabas dun????" yung ganung feeling... yung ganung kahabang feeling. lols.
yung green lantern, nung byernes ko lang napanood. humabol ako guise. ako na yung last na nanood. hahaha. it's not THAT bad. ok naman sya. nakita ko namang naka-underwear si ryan reynolds kaya it's not THAT bad. lol. tsaka maganda si blake lively dun. for the first time, naging kagalang-galang sya sa paningin ko. hahaha.
mas gusto ko ang bagong leading lady ni shia labeouf sa transformers 3. mas ok umarte. sexy pa ng accent. hehe. may storya naman sya kahit papano at hindi katulad ng transformers 2 na puro pagsabog ang naganap. ang hindi ko lang talaga matanggap eh kung bakit sa lahat ng transformers movie pagkatapos ng lahat... takbuhan, explosion, pagbagsak, barilan, eh si Sam Witwicky at ang kanyang leading lady ay MEYNTEYN na MEYNTEYN pa rin??? walang galos? dungis lang ang tinamo nila? aba eh ang husay pala nila. pakiusap ko kay michael bay eh sana wag nang gumawa ng isa pang transformers. si megatron ilang beses nang pinatay!!! ano sya? ipis? PAMBIHIRA!
anyway.
kung ano namang lalim at husay at pagka-intelektwal ng blog ni mugen, ganun naman kababaw, at kawalang kwenta ang mga posts ko. wahahahahaha!
well well well, dont judge me. behind this beauty are some brains. comatose lang. TSE!


14 comments:
yeah! heavy and light. u guys complement each other.
You sure about the platform bed? It takes some getting used to. Especially for taller folks. But most of what I see in the image can be done. The headboard is a custom-unit, and I suggest you add sheer shantung drapes for privacy. There's a nice synthetic version of the shag-rug in the photo, the darker tone would be best. The floor looks like polished concrete, easy to execute. By the way, minimalism is my style too.
Seriously, 12 hours? Whereas if I sleep for 8 hours I get a migraine. My optimal sleep would be around 5 to 6 hours. But 3 hours, I'm good to go. Of course, with caffeine.
hi guise! most punctual kayong dalawa! hahaha! read nyo ulit, may dinagdag ako sa gitna. pero di naman sya makakatulong in any way sa inyong lives so pwede nyo nang dedmahin. hahahaha! salamat at matyaga kayong nagbasa, dahil jan, may 5 stars kayo! CHIIIIIING! *sparkle*
At least aminado ka naman na kabaliktaran ka niya magsulat. Kung siya malalim at subtle magsulat, ikaw naman ay overt. At kung medyo seryoso ang recent posts nya, sayo naman ay very light lang, refreshing kumbaga. Maganda yan kasi at least nagcocomplement kayong dalawa. At siguro given ang kaseryosohan ng buhay ni Mugen at present, it must be a gift for him to have you as a partner. Ching! =P
@jc : do not belittle yourself in any way.. wag ganyan 'teh! True, your BaaBaa's blog is rather intellectual. but yours, I have to admit, is refreshing and entertaining.. yung tipong pampasaya ng araw. ganyan.
ganda ng tandem nyo ni Mugen, yin and yang... :)
hahahaha. Nexshyr? Maynju? at hight sa lahat Meynteyn? Marian, istatyu?! lols!
sir JC, pwede mo nang palitan sa trono si Ms.Chuni dahil sa post na ito. hehehehe.
PS: san you work? parang gusto ko ng ganyan ah. :p
Teka, narinig ko kagabi sa mga kasakay ko sa FX yung Kojic soap taposna-encounter ko naman dito. Anu ba yun? Paki-expound, hehe.
ay naku teh..lahat ng topics mo interconnected.. I read between the lines kasi...lolz wahahaha
Love the bedroom! But i'm not sure about the floor to ceiling glass panel. Baka masilipan ako ng kapitbahay. Choz!
:)
It maybe superficial but it entertains and sometimes this matters more than deep ones.
Soooooo, you two work-at-home?
JohnM: ginoogle ko pa ang meaning ng "overt" ha. hahahaha!
Nate: uy di ko naman bini-belittle ang sarili ko. it's just our posts are so opposite. LOL.
Yuan: haha nakuha ko yan kay superstarmarian sa twitter. huy walang makakapalit sa trono ni MissChuni. nag-iisa sya. :D
dB: yun yung orange na sabon. nakakaputi yun pero pinagamit sakin nung derma kasi i have oily skin. nakakadry rin kasi yun. lols.
dark_knight: bongga ka jan. ikaw lang ang nakapagtagpi-tagpi ng lahat. hahahaha! adik ka!
MissChuni: haha yup concrete wall yan sa tunay na buhay... di ko rin bet ang glass walls baka bigla na lang ako pasukin at gahasain ng papang borta at cutie. hihihi.
Guyrony: no ako lang. :D thank youuuu!
parang wala akong naintindihan sa binasa ko hahahah... La lang bigla akong nanibago sa blog!
natawa aketch sa pagcompare kay Megatron. bwahaha. hindi lang pala ako ang taong random. bwahaha. (naghanap pa ng karamay)
pareho kayo ng dahilan ng mudrakels ko sa pagka-late. :))
Post a Comment