Choz.
Magdadalawang linggo na ako dito sa banyagang bansa at nagbabalak dapat ako nang enggrandeng comeback blog post sa pamamagitan ng isang bijo kaso tinatamad ako mag-edit. Kaya lang dumating na sa puntong masyado nang madaming nangyari kelangan nang idokumento. #ReviewOfRelatedLiterature ganyan.
Ang masasabi ko lang ay, ang gandaaaaaaaaaa dito! pero mas gusto ko bang manirahan dito? sasagutin ko mamaya. (pa-suspense pa amp! --- well ganyan talaga) (kinausap ang sarili)
Galing Maynila, lumapag kami sa Vancouver airport para sa connecting flight namin to Ottawa. Agad agad ko namang hinanap ang mga eyecandies, este, ang immigration para magpa-clear. Matiwasay naman akong nakalagpas, di gaya nung sa Madrid dati, mejo di ko natripan ang immigration dahil parang nangiimbistigang SOCO. tse.
Ang babait ng mga tao. Parang naging kultura na sa mga Canadians ang greeting na "Hey how is it going?" at "Have a good day/night" bilang pamamaalam. Ang sarap pakinggan na sinasagot ang bawat "Thank you" mo ng "You're very much welcome" with matching smile pa. Medyo na-aawkwardan pa ako nung una magsabi ng "take care" lalo na sa kapwa lalaki. Imaginin mo na lang kung cute ang nagsabi nun di ba? "mmkei... you too. :)" (sabay hawi ng bangs, 3 times magba-bat ang false eyelashes mo). PAK!
Dumating kami sa Ottawa 3am na ng Lunes! 5 hours pa ang binyahe from Vancouver. Tapos pasok na rin kaagad ng 9am. For some reason di talaga ako na-jetlag. Parang wala lang. Meynteyn lang. So meet and greet na sa office. Wala pa yatang bente ang bumubuo sa kumpanya, bawat isa may kanya kanyang room. Medyo nalito lang ako nang very very light sa lunch room namin kasi parang ano ba to warehouse ng softdrinks at kape? ano ba to meron bang panic buying na naganap? bakit may hoarding? Ang dami nilang kung ano ano. Nung sinabi samin na it's free for all, medyo napanatag naman ako. Ang pagkapanatag ko ay parehas nung pagkapanatag ni Carmina Villaroel sa Lactum. ganon.
Kain dito kain doon. Lahat dito sa office ay mga foodies. Karamihan ay nakatikim na ng adobo. Nakakaaliw kasi ang boss ko ay Pinoy na lumaki sa US pero pinagmamalaki nya mga Pinoy food dito. Nakakaaliw din ang boss ko kasi halos wala na kaming ginastos sa unang linggo namin dito. Libre nya lahat. Ipinagdadrive pa nya kami kung san man namin gusto pumunta. O edi kami na. LOL. Nakakaaliw din sya kasi lahat ng mga kinainan namin eh Asian restaurants. Andito na nga kami sa Canada, puro Asian pa rin ang kinakain. hahaha. Di ko naman masuggest na purgang purga nako sa Asian cuisines na pansit siomai sushi etc. kasi nga libre. Choosy pa ba ako? Lurks.
Pinakilala din sa amin ni bossing yung isang pinoy family dito na nagturo samin kung pano mag-commute gamit ang city bus. Ang bait din nila. Kahapon tinry namin mag-city bus. Ang sistema eh kelangan iresearch mo pa sa internet ang mga sasakyan mong bus number para makapunta sa destinasyon mo. pati na rin ang sked ng bus at kung saang bus stop. daming requirements di ba? bibili na lang ng ulam sa grocery kelangan ko pang mag-abala sa ganon? ulam lang? ulam? (reklamador). Oh edi sakay na kami, sabay abot ng $5 bill. Tinignan kami ng bus driver parang nangungusap ang kanyang mga mata na parang gusto nyang sabihing "Ano yan? Ano meron? Ano ganap?", sabi ko... "uhm, we're going to Walmart", sabi nya... "this is bus #3, this is not gonna go to Walmart", sabi ko... "yeah i know that, we're gonna get off at Prince of Wales/Baseline street", sabi nya... "you have to give me the exact fare... where are you from?", sabi ko... "we're from the Philippines", sabi nya... "don't they have buses in the Philippines?!" aba aba aba imbey! kung ipasyal ko kaya sya sa EDSA at Commonwealth avenue? sabi ko, "uh yeah, but they accept bills and give the change back", sabi nya, "well... this is North America. we don't do that here. anyway, never mind, you don't have to pay since you're tourists." WIIIIN! infairness kay ateng bus driver (yes babae sya) nilibre nya kami. Nung pabalik na kami, na-stress pa kami lalo dahil naiwanan kami nung bus na dapat sasakyan namin so nagtaxi na lang kami.
Ang hirap mag-commute ha.
Sinubukan na rin namin kumain sa Burger King at McDo dito. Binida bida kasi ni boss na merong McRib (rib steak) sa McDo so kami na ang naatat para tikman. Waley. Waley. Waley ang McRib. Ang coke zero naman sa BK ay lasang sabon. Ang sprite, lasang lumang karton. hahaha. Buset.
Despite the disappointment in our fastfood experience, mabubusog ka naman sa mga shirtless joggers all around the city. Maliban sa daanan ng kotse, merong sariling daanan ang mga nagbabike, nagjojog at naglalakad na talaga namang nakakatuwa --- yung mga nagjojog. CHOS. mag-bike nga ako one time para maka-sight ng yummy. CHOS ulit.
Tungkol dun sa tanong kung gusto ko bang manirahan dito? Sa ngayon, parang hindi. Maganda mag-raise ng family dito kasi libre ang eskwelahan, libre ang ospital, at talagang alagang alaga ka ng gobyerno. Pero since wala naman akong pamilyang binubuo, mas gusto ko pa rin ang Pilipinas sa kadahilanang napaka-unique na "there's no place like home". Parang di ako "belong". May ganong feeling. Ang arte di ba? Hahaha. Kung kumikita naman ako ng ka-level ng mga Canadian sa Pilipinas, bakit pa ako lalayo di ba? Tsaka para kasama ko lagi si Baaboo. hehehe. ayiiiii!
Sa ibang balita, ang pangit ng week na 'to dahil na-strain yata ang abdominal muscles ko from my workout nung weekend kaya buong linggo akong namimilipit sa sakit. Kala ko nga madededo nako nung Tuesday dahil umabot sa chest ang hapdi at kirot ang dulot saking damdamin. Apat na araw kong ininda iyon, pero ngayong araw, bigla na lang syang nawala. walang pasabi. Hindi ako na-warn. Walang memo. Pero ok na yun.
Anywayyyyyy, pasensya na at wala akong masyadong naiblog ha? Nahiya naman ako at maiksi lang ito. Enjoy the weekend! Punta ako Toronto bukas, sa Monday na ulit ang balik. Yahooooooo! Try ko magblog........ yung mahaba-haba naman. lol.
Take care.............. garnier!

23 comments:
Nice nasa Canada ka pala. For good? At first nailang din ako sa have a good day na batian na ganyan pero nung tumagal na nasanay na ko at napapagaya na ko. Yun nga lang hindi ko maiwasang kiligin pag cute yung nagsabi. Ahaha
Pasok sa banga! Wingard Tracy! Isama mo pa si Panalo Anderson! Charot Pempengco lang, hehe. Enjoylina Jolie ka diyan acheng, umachive ng Marami Carey na picturbelles, at i-sharelaloo ditey. Oketz?
oh wow ur in canada pala..
tama ka no place like home pero kung ang datung ay nanjan, kalimutan muna ang pinas hehehe
Hahaha! Ka-aliw! Winnur ang entry. Nai-buhos lahat. Choz! :)
Ang saya naman basahin nito! Haha. Pak na pak! Enjoy jan habang nanjan! :)
ardent: nope just a short visit at our main headquarters. :)
red: ang daming names ah. haha.
ka-swak: haha. pipilitin kong swelduhan ako in canadian pay grade. LOL.
MsChuni: lahat lahat pati puso't kaluluwa. CHOS.
Drama King: thank you! :)
@jc: ahahaha!PAAAAAK! you already!
"ipasyal ko kaya sya sa EDSA at Commonwealth avenue" --- ay, wag teh! baka isumpa nya ang 'Pinas dahil sa killer buses.. NKKLK! :P
Friend masyado ka lang sanay sa pinoy "kumusta ka o kumusta na?" kaya parang nakakapanibago pag ang bati sau ay "good morning, how are you?" ganyan din feeling ko noon ditey sa piling ng mga kangaroo lolz tapos naisip teka teka ganun din naman tayong pinoy pero dahil nga banyaga ang wika at bumabati forgetsung ang local greeters..
pero ang fave ko ay ang bati ng friend ko.. "Good moaning to you" pasok sa jar!! lolz
entertaining post as always. kape-kape sa Tim Hortons.
Hahaha. aliw na aliw ako sa post mo lalong lalo na sa shirtless joggers. haha. sarap! :-)
hahaha naaaliw na naman ako sa post mo!!!iba ka! para ka nang si nimmy!
more post soon! aabangan naman ang escapade mo jan :-)
ang kyot! ramdam ko ang saya mo habang tina-type tong entry na 'to. ^^
Nate: yun nga gusto kong iintroduce sa kanya ang concept ng killer bus. LOL.
Clarence: noooooo, kahit mga complete strangers sa mga grocery stores, restaurants, at malls, parang always open sila for small talk. :D
travis: shalaaaa! hehehe.
kenchu: ikaw ha... yun talaga ang tumatak sayo. hihihi.
Mac Callister: huy wag kang ganyan. nagiisa lang si marse nimmy. kumbaga, sya eh si regine velasquez, ako naman si bayang barrios. hahahaha.
Yuan: actually inaantok nako nung tinatype ko ito. CHOS. LOL.
Blame Canada Blame Canada haha. Aliw teh, light and charming ang kwento. Masarap ba talaga ang donut sa tim hortons? kasi sinusumpa na sya ng friend ko at super alila daw sya sa kumpanyang yan
bienAng donut sa Tim Hortons ay mabigat sa tyan. Pero mas masarap ang Krispy Kreme. hehe. Ang kape nila ay masaraaaaap! Naku kawawa naman sya at masaklap ang karanasan nya sa Tim Hortons. =/
nasaanangshirtlesspics! hahahaha. hongyomonyomonmona! kumikitangpangkabuhayankanapalanaparangnasacanadaka! manlibrekapagbalikmo! hihi. mmmmwaaaaaahhhhpapsssss. enjoytorontoatkumuhangpicngmgakapogianha.
kalurkey ito "Ang coke zero naman sa BK ay lasang sabon." "Ang sprite, lasang lumang karton."
Vuhket teh nakatikim ka na ba ng lumang karton? yung sabon maiintindihan ko pa teh! char!
Ay wonder lng nmn.. hehehe.. Natuwa ako sa post mo..
Vaklah, winner ang mga sightsung mo jan, sa mga nakikita ko sa Chwitter. Sorry ngayon lang napadpad sa isla mo, busy busyhan cheverlu sa pagsusunog ng eyebrows.
Ang ganda ng entry mo, pwede ko na syang pakasalan... Charoz caldo. Gusto ko talaga makarinig ng mga ganyang akda mula sa lupang hindi mula saten kundi galing sa Kenya! charoz pempengco.
Mareng winnie monsod naman sa experience, pwede na ipadala sa xerex este sa trip na trip, at winnie cordero din sa libre! kaysarap mabuhay kung ganyan.
at talagang kinilig ang karug ko dahil sa katamisan kay kuya mugen, keber sa ants. mag biogesic ka! ingat! :)
"there's no place like home"
totoo yan papa JC, kaya ako pag pumunta ng Australia, titikim lang talaga ako ng twink, kapag sawa na ako sa twink, baballik na ko sa Pinas!
GORABELS !!! hahahaahah
howie: leche ang hirap basahin ng comment mo! hahahaha! ayaw ko magshare ng shirtless papa no. blehhh! labyu paps! mwahugz!
kkhalixx: if you smell it, you kinda like taste it.. (say that in the most maarte accent) LOL.
green breaker: andami na namang taong nainvolve. hahaha. salamat!
RainDarwin: ayan na naman ang tikim tikim na yan! hahaha!
Awwwwwww! Panalo naman ang beauty mo dyan teh! Enjoy! Ingat palagi.
At natawa ako na sinundan ka ng Asian food dyan. Hihi
hahaha tagal ko ng di nakakabasa ng blogs and WINNUR eto JC ahahah..honglandi mo! ahahah...
at yung saket ng tyan mo? KINUKULAM KA LANG NI BABAA para di ka makapaglandi jan ahahah :P
Nimmy: waley ang byuti ko dito. well, waley naman kahit saan ahahahaha! CHOS.
papa josh: ahahahaha pwede pwedeh!!!! sya nga rubbing elbows with my papa jake cuenca eh! hmp!
Post a Comment