Mga ka-bloggers! Maraming salamat sa mga nagwelcome, nagtyagang magbasa, nagtyagang magcomment, nagwaldas ng panahon, at mga nag-abalang maging kaibigan ako dito sa blogosphere. Hehehe. Laswik talaga ang anniversary ng The Wimpy Kid blog pero natapat naman kasi na sobrang abala ako sa trabaho. Busy pa rin hanggang ngayon pero maglalaan ako ng panahon para makapagpost para sa blog anniversary ko. lol.
Two weeks ago, binasa ko ulit mga katarantaduhan na mga sinulat ko dito. Nakita ko ang evolution. Parang ganito:
Nagsimula ako parang mejo maangas pa. Dami kong kwento sa aking pagsisimula, nagpost pa ng random facts tungkol sa sarili. Taena, nakipaglandian kay Soltero at kay Pilyo hanggang maging miyembro na ng Engkanto. Natuto nang lumandi CHING! Marami akong nakilala hanggang sa marami na akong natutunan na mga salitang hindi normal sa atin. Hanggang sa mapansin ko na nalevel up na akey talaga sa kabekihan as in kabogera na ang lola nyo wit ko naimagine na keribels ko magispluk nang ganitey NKKLK! Anyare sakenchi? Anong ganap sa life kez? More more exposure na talaga ang nagetsing ko ditey sa alternate life kez. Chaaaaaaaararat Mr. Disco!
Gets? Hahaha. Subukan nyong basahin ang blog ko, mapapansin nyo ang evolution na yan. Pero ngayon mejo tamed muna ako. Alam nyo na, mahirap na masyado na akong in-character baka bigla akong madulas kasama ang mga straight tropa at makapagsabi ako ng "echuserang frog kaaaa!". Di ba? Dyahe naman. Hahaha!
Medyo nakakalungkot lang na parang hindi na masyadong "alive" ang circle of blogger friends ko. Tahimik na sina Soltero, Pilyo, Papa Marhk, Greatkid, Doc Ced, Iurico, Fox, si Papa Tagay na laging may pasabog hahaha, kahit si Nimmy ay di na rin everyday nakakapagupdate. =( Busy na, at kahit na din ako. Sana hindi magsawa si Miss Chuni mag-update para masaya pa rin ang blogosphere. hehehe.
Di man ako nakakapagcomment madalas sa mga blogs eh tinatry ko naman magbasa kahit paminsan minsan. Awwww, ang lungkot naman ng parteng 'to sa post ko na 'to. haha.
O sya sya, may trabaho pa ako. Weekend work. Happy Monday sa inyo!
Ismaaaaaayl! :D
Anicca
2 weeks ago

19 comments:
@JC: hey there! congrats!! happy 1st blog anniversary!! :)
Happy anniv. Celeb tayo? Char! Aylabyuuu! Pag naispluk ko ang echoserang froglet ka sa mga friendschiwa ko baka magtumbling sila at makisama sa asosasyon. CHOZZ! XOXO
Happy Birthday, alternatelifenijc! ^^
Happy Blog anniv. i have to agree di na sila active sa pagbloblog except si pilyo. and speaking of soltero hmm mukhang tumigil na siya noong nagkaroon siya ng negative comments sa dating blog niya.
happy blogsary P!!!! more blog entry if u have tym...
nakakaaliw kasi minsan lalo na yung NKKLK.. hahaha... :D
Ay uu, ang angas-angas mo noon hayuff ka !!! minsan nag-comment ka pa sa entry ko na sobrang angas mo, nagngingitngit ako sau nun kung pano kita gagantihan. Pero sa kabilang banda, nakuha mo ang atensyon ko. Isa ka sa naging favorite blogger ko, pinag-usapan ka ng mga engkanto sa bawat tagayan. Curious kami lahat sayo dahil sa kaangasan mo hayuff ka hahahahah. Ang pagiging engkanto mo ay nasa plano, talagang gumawa kami ng bitag para mapasama ka sa grupo! Hahahahaha.
miss u papa jc mwahhhhhhh!
happy blog anniversary! :)
Wow, one year na!
Happy Anniversary!!! :)
Pag nagka-jowa na ko, stop na rin ako.
Hahaha!
:P
happy anniversary sa blog mo papa JC!!
- dadi fox
Belated happy birthday sa alternatelifenijc! :)
hppy blog anniversary!
Achieve ang annual ateng! Pasok sa banga!
makikibati uli ng happy birthday sa blog mo
haha ismayl. happy belated jc! achieve na achieve! :D
Ay! Gay blogger ka pala?!
Char! Hahaha
Happy anniversary teh! Good luck and God bless sa karera mo! Mwah!
nate: salamat! :)
char char: maraming salamat sa suporta! wow? artista? hahaha!
yuan: thank you! :)
lonewolf: si papa solts ay nag-iba na ng blog. pero mejo inactive na sya these days, busy siguro sa wedding. hehe.
egg: i'll try. :) salamat!
Papa P: haha di ko na maaalala yung comment na yun. mishu too papa p! mwahugz!
raymond: thank you! :)
miss chuni: nooooooo! ikaw ang aking daily dose of happiness. o ha? hahaha!
fafafafafox: thank you fafafafafafox!
green breaker: salamat! :)
imsonotconio: thank you! :)
red: haha salamat!
bien: salamat sa pagbati! :D
Jon: salamat! :)
Nimmyloo: straight ako dude. lols. thenkyew!
Happy Anniversary on your blog!!! Keep on writing and sharing stories. :)
Cheers!
Post a Comment