ganun talaga siguro kapag nagtitipid. hmmm sulat ko nga sa bucket list ko ang magtravel with style... sounds so mayaman! yung tipong parelax relax, walang pakialam sa budget, pinangtitissue lang ang pera. ganoooon! speaking of bucket list, karamihan ng mga nilista ko dito years ago ay mga lugar na gusto ko puntahan. sana mas marami pa akong mapuntahan. :D
Paris
may mga bagay na sinasabi silang "overrated" pero this city really lived up to what it's known for --- one of the best tourist destination. from the airport nagbus kami to the city, at pinakinggan ko lang ang nasa radyo na nagfefrench, in love talaga ko sa language na yan. ang sarap sa tenga! hehe. basta ang ganda talagaaaaaaa! kaya lang isang araw lang kami dito. sabado. linggo ng umaga alis na rin agad. maganda magstay dito ng at least 3 days sana. kaya pagtapos nung samin nangako ako na hinding hindi na magbabackpacking trip na madalian. ngunit naulit na naman ito sa...
Rome, Vatican
ang dumi lang. hahahahaha. tapos mejo may pa-epek ang mga kili kili nila. hindi maganda. ang epek eh talaga namang pasabog sa ilong. tumatambay eh. syet. pero nung nasa city center na talaga, um-ok ok na at malinis na kasi tourist destination din so kelangan #meynteyn clean and green paproject ni mayor. haha. lakas maka mythology ang aura ng lugar. pinaka magandang puntahan dito ang mga ruins ruins at ang pantheon. pati yung mga fountain fountain kung saan wag na wag mong tatangkaing gamitin ang iyong kamay dahil ang katabi mo ay nakasawsaw ang paa. yun na! hahahaha. buset. at lastly, maganda ang view ng dusk sa may vatican. ganda ng mood. pang patron saint. gow.
Madrid, Toledo, Barcelona
feeling ko maraming malilibog dito talaga. hahahaha. may porn kaya sa cable channel nila! pero hindi ko yun pinanood kasi i feel like i'm not ready for it. NOT READY FOR IT??? hahaha. sa spain in general, maganda puntahan ang plaza mayor nila kasi maraming ganap. mga taong nakastatwa tas gagalaw pag bibigyan mo ng pera. may mga nagpipinta. maraming restos and shops at kung ano ano pa. toledo is like a castle city dahil most structures nila ay mga sinauna pang castles talaga. nag-expect ako na makakita ng mga guardia sibil at mga prayle upang makapaghigante ako para sa bansa pero di ako pinalad. (oa? di makamove on? haha.) walang sinabi ang bulubundukin ng sierra madre sa mistulang bulubunduking mga daan. up down up down. nakakastress. haha.
tama na sa europe at dumako tayo sa chinaaaaa!
Hong Kong
gusto ko ang pagkahaggard ng lugar. kaya lang medyo naaalarm ako sa pananalita talaga nila. parang lagi silang may poot sa dibdib. galit. hinanakit. hinagpis. ganooon! wala sa diksyonaryo nila ang salitang soft-spoken. ang pinakaenjoy talaga gawin dito ay... shopping! boring ang HK trip kung hindi kayo magshoshopping. bagsak presyo mga ate at kuya. bili na bili na bili naaaaa!!! wag nyo palang palampasin ang cable car ride sa ngong ping. sulit sya kasi matagal tagal din ang buong ride. yung tram sa the peak, sa gabi nyo gawin kasi makikita nyo yung city lights. yung symphony of lights meron pa ba non? dapat sa gabi nyo gawin syempre. hello. tsaka naisip ko perfect na christmas gifts yung mga perfume samplers na nasa maliliit na bote. pangmaramihan. hehe. ang ocean park ilaan nyo sa pang-isang araw para di kayo nagmamadali. ang disneyland din. stay kayo dun until gabi para sa fireworks. mas maganda kung mga 4 days kayo dito para di kayo nagmamadali at mejo relaxed ang itinerary nyo.
at yaman din lamang na nasa hong kong na kayo aba eh, isang kick-ball-change lang, kayo ay nasa...
Macau
na! ang langit para sa mga sugarol. haha. wala masyadong ganap kung walang kaching kaching $$$! haha. ang ginawa namin dito eh nakikisakay kami sa mga hotel shuttle service na nasa fisherman's wharf. hahaha. libre lang yun mga ate at kuya! at di sila gaano kastrict kung guest ba nila ang sumakay or hindi. hehe. kelangan mo lang alamin ang mga location ng mga hotels don at tignan mo kung malapit yung mga yun sa mga pupuntahan nyong lugar. :D bisitahin nyo syempre yung ruins of st paul's, temple, macau tower --- pwede kayo magbungee jumping don. try nyo walang tali. hahahaha. biro lang. yung venetian hotel pwede kayo don mag gondola ride. pinoy ang tiga-sagwan ng gondola! shur na! hahahaha. kung pipili kayo ng isa lang na pagcacasino-han, dito na kayo. sulit na rin sa view. pwede na tong Macau for an overnight. kahit day trip lang.
Ottawa, Toronto, Montreal, Niagara Falls
lipad sa ibang kontinente. pers taym kong makatuntong sa isang english speaking kanchri. Nakakapanatag ng loob. Pahinga muna ang sign language skills at inglising epek ang eksena dito. sa ottawa meron silang light show sa may parliament hill na soooooooooooobrang ganda tuwing june ata hanggang september. pinapakita ang history ng canada. nakakainspire. eto lang ang worth visiting. haha. sa montreal naman pwede nang day trip lang. puro kainan at souvenir shops. meron silang parang isang strip na cobblestones ang daanan. ganda. french ang main na salita dito. sa toronto naman, meron silang package na 5 passes sa mga tourist destinations nila sa city, pwedeng yun na rin yung kunin nyo. maganda din kung maabutan nyo yung toronto film festival mga october kasi pagala gala ang mga hollywood stars sa toronto. sushaaaaal! ang niagara falls naman ay malapit lang sa toronto. kahit isang araw kaya nang ikutin to. casino ka na rin pag marami kang pera. haha.
ayun lang. nasa bucket list ko pa ang talagang seryosohang eurotrip. two of my closest friends na magbf-gf nag 12-country euro trip nung october. ang saya lang. dun na rin sya nagpropose. eeeee! napakaromantic syet. oh well... di naman masama mangarap di ba? hahaha. malay natin makapagipon. :D
PS: Maganda din po ang ating bansa kaya't kung may pagkakataon tayong lakbayin ang Pilipinas, tara na byahe tayo! naaaaks. Sightseeing? It's more fun in the Philippines! sure na!
![]() |
| credit goes to the original owner |





9 comments:
love ko ang paris. wonderful memories of the sex clubs. charot! :P
nung 1st time namin sa rome, literally tinakbo in one whole day ang pwedeng takbuhin in that span. at sa kalagitnaan yun ng roman summer, mind you.
kinalabasan? slightly nognog effect kinabukasan teehee
susko, never pa akong nakalabas ng bansang Pilipinas friend. im such a lose no? hahaha. Tara pumunta tayo sa Bangkok, Thailand at manuod ng live show. CHAROS! hahaha
Wish ko talaga makalabas ng bansa. Kahit sa HK lang actually.
Kung sino man makapagdala sa kin dun, papakasalan ko. Hahahaha! :)
Hahaha, ibang iba tayo ng dream destinations Baabaa. :)
ternie: amazing race ata yung ginawa mo hahaha.
jepoy: baka mag BKK ako dishir. :D
poyee: be careful what you wish for... you just might get it. sabi ng pussycat dolls. LOL
Mugen Baabaa: oo pero pag napuntahan mo ang mga yan you'll be amazed just the same. ;)
Feeling ko ok lang ako sa Rome dahil sipunin ako. So may protection ako sa ga-bombang putok. Haha!
Para kayong magkapatid ni Yow kung magblog. Aliw!
Chip: sanayan lang haha.
DB: wow! idol ko si Yow. haha.
Ang saya naman! Gusto ko mapuntahan ang Vatican dati, ngayon hindi na. Haha.
Post a Comment