Sobrang close ako sa parents ko nung bata ako. Ang eskwelahan ko nung grade 2 ay sa Jose Rizal Elementary School sa Pasay. Umuuwi ako sa bahay ng lola ko sa Ignacio St. since malapit lang sa school. Sinusundo ako ng tatay ko gamit ang motor nya pauwi sa inuupahan naming bahay sa San Andres Bukid. Pag hindi ako nasusundo, asahan mong hahagulgol ako hanggang sa pagtulog. Tatay ko nagtatrabaho sa Motorhaus. Nanay ko yata nagtatrabaho nun sa Masagana. Pero nung mga panahong Grade 2 ako, nagtetrain syang maging Japayuki sa agency ng landlady naming tibo. Ay. So since tibo sya, half-landlord half-landlady sya. May syota din syang Japayuki. May ultraman silang lampshade na sumisindi at namamatay sa pamamagitan ng palakpak. Astig. May Nintendo ako nun. Solo ko lang. Only child eh. Enjoy ako laruin yung binabaril yung ibon gamit yung light gun ng NES habang nakaupo sa bean bag na kulay maroon.
Pag nasa kwarto ako, madalas ako pinapalabas kasi may "meeting" daw sila nina Mama, Papa, at Tita Sally (ang aming half-landlord half-landlady). Maglaro daw ako ng NES sa baba. Pero minsan nagda-darts ako. Pero di ko alam pano laruin. Tinatapon ko lang nang walang poknat sa board para dumikit. Minsan binabawasan ko ng laman ang bean bag. Kakagigil ng styro balls eh.
Lumipas ang taong yun. Nabuntis ang nanay ko!!! Tatay ko ang ama syempre. Di na ako nagulat. Pero nagulat ako na nabuntis sya. Ediba nga magJajapan sya? Nakikita ko pa nga sya nun nagpapractice ng sayaw eh. Ang ending, hindi na sya natuloy. Bumalik kami ulit sa probinsya. Di ko lam bakit. Ang tanging constant sa bawat taon namin ay kelangan naming lumipat ng lokasyon. Di naman kami tulisan para magpapalit palit ng tatambayan. Nag-kinder ako sa Day Care Center sa Purok 3 Baranggay 41 sa probinsya namin. Kalagitnaan ng taon, sa Maynila ako nag-aral. Nung Grade 1, sa Don Juan Amado Araneta Elementary School naman ako pumasok, balik na ulit sa probinsya. Public School 'to. Public School kung saan section 4 ako dahil paunahan pala ang enrollment dun! Swerte mo kung may stage mother ka or stage father. Bibo yung mga yun eh. Atat. O edi enrolled agad ang mga chikiting. Grade 2, nasabi ko na sa taas. Uulitin ko pa ba? O sige, uulitin ko... nasa taas. Hehe.
Grade 3, este, Level 3 na ang tawag dahil private school nako. Hello. Nirekwes ko sa isang lolo ko sa tuhod (sa mother-side) na pag-aralin ako sa private school para makasama ko ang pinsan (father-side) kong may kaya sa buhay. Natapos ang taon, wala naman kaming natanggap na sustento. Wala na palang trabaho mga magulang ko sa mga panahong 'to. Di ko alam bakit. Di ko din alam na required pala yun sa mga matatatanda para mabuhay sila at mabuhay kaming mga anak nila. Speaking of anak, nanganak na pala si Mama. Ang puti ng kapatid ko. Mestizo. Pogi. Edi sya na. Madaming beses ko palang nakikita sa kwarto nina Mama at Papa na may kandila at foil pagkatapos nilang mag "meeting". Bakit kaya sila tahimik pag nagmi-meeting? Sa eskwelahan maingay ang meeting eh. Sumunod pala sa probinsya si Tita Sally. Pinasalabungan pa nga nya ako ng Rain Malt Soda. Di ko nagustuhan. Pinaubos ko sa kaklase ko. Nalasing yata. Ihi nang ihi. Ewan. Ano ba meron sa Rain Malt Soda?
Grade 4, oo grade na ulit, dahil balik Don J ako. Shortcut na yung Don J. Ganun talaga tawag. Section 1 nako kasi mataas naman grades ko. Pero lagi lang akong Top 3 sa klase. Yung Top 1 kasi namin, tita nya yung adviser namin at dun sya sa kanila tumitira. Sya pa nga minsan nagchecheck ng mga tests eh. Yung Top 2 namin, matalino lang talaga sya. Nanakawan ako ng bente pesos. Pinalo ako ng walis ng tatay ko dahil nawala nga. Pinahanap ko sa kaklase ko. Sabi nya, bumili daw ako ng itlog. Anong koneksyon? Edi nadagdagan lang yung nawala sakin na pera? Sabi nya, sira, malalaman natin kung sino kumuha ng bente mo, sabi nya. Bumili ako. Pinatong nya sa plato at pinagulong gulong. Inexpect ko na may lalabas na pangalan. Pero hindi pala ganun. Stinir lang talaga ako ng kaklase ko. Wala na yung bente at nabasag lang yung itlog kakagulong.
Level 5. C'mon. Balik private school kung saan more than anything else, dapat maayos ang penmanship. Pinag-aral nako ng Lolo at Lola ko. Father-side yun. Level 5B ako kasi transferee. Kaso nagbuo sila ng new section. Tawag nila Gem class. Section daw yun ng mga gifted children. Isa isa kaming tinawag sa library para isalang sa ibat ibang test. Parang mutants lang sa X-Men. Nakuha ako. Ako lang yata nakuha sa 5B. Baka sabihin mong, "ikaw na!!!". Hays. Oo ako na talaga! Joke. Biro lang. 'to naman. Masaya sa Gem class. May sarili kaming TV sa classroom. At dun kami sa bagong building. May sarili kaming stockroom. At special ang lesson plan namin. Nanganak ulit si Mama sa taong 'to. At sa unang pagkakataon, di ako nagtransfer ng eskwelahan nung Grade 6. Dun nako nag-graduate. Sa Onyok Velasco gym yata yung graduation namin. Class Adviser ko nung Grade 5 yung naghatid sakin sa entrance ng graduation ceremony dahil hindi dumating mga magulang ko.
Exage. Di naman di dumating. Na-late lang sila ng 30 minutes.
Gumraduate ako. Inantay lang yata ng Lolo't Lola ko na tumuntong ako sa tamang edad para sabihin nila sakin lahat. Tamang edad na yata ang 11 years old. Alam ko na siguro ang right and wrong. May ideya na siguro ako sa morality and ethics and the rules ang gray areas that come with it. Ako na daw ang dapat bubuhay sa mga kapatid ko. Sabi nila, ako daw ang magiging breadwinner. Di yun naturo sa Spelling class namin kaya di ko na-gets. Sinabi nilang adik ang mga magulang ko. Apat na taon na silang nalululong sa droga at malayong makarecover ang mga ito. Si Tita Sally ang nagpasimula ng lahat. Pero nasagasaan sya ng trak nung bumalik sya sa Maynila. Sumalangit Nawa.
Itutuloy.
Anicca
2 weeks ago

10 comments:
Shet na malagket. Nabitin ako. Nalungkot. Natawa. Kinaya mo yun papa JC? The best ka. Idol.
i'm seeing you in a different light now. thanks for sharing. will wait for the next chapter with bated breath.
OO nga malungkot na masaya. Bilib ako sa mga breadwinner. Na-imagine ko lang yung mga sakripisyo sa life, ganundin sa mga nagpapaaral sa mga kapatid. Bravo.
homaygad! di ko akalain na nag grade school ka pala?! wahahaha nahipo mo ang betlog ko fafa! :-)
friyeeeeennndddd..... *hugs*
:( :) O_o mixed emotions.
ay grabeee..... kaloka lang andami mong school nung grade school.. hehehehe... :D
buti anjan sina lolo at lola mo...
hayyy *napakomentlangphowz*
sa kabila ng masayang mga tweets mo at usapan natin sa twitter eh may ganito ka palang malungkot na kwento jc.
hugs for you my friend. :)
P.S.
natawa ako sa itlog pramis. LOL
IKAW NA!!! ikaw na may mababait na lolo at lola. ikaw na!
grabe. breadwinner ka. <3 <3 <3
ang jolly ng tono ng pagbasa ko neto...
teka, uulitin ko hindi bagay. :(
Post a Comment