(continuation ng Prequel ng Wimpy Kid)
ah kaya pala.
wala kasing tumutulong sakin sa assignments at projects. madalas kasi magbrownout samin pag gabi. ako na lang nagsisindi ng kandila at mag-aaral sa may bintana. ngayon naintindihan ko na kung bakit ganun. kung bakit ako lang mag-isa. ngayon naintindihan ko rin na madalas ako lang naiiwan sa bahay. sa iba pala sila tumitira ng droga. hindi tuloy nila nalalaman yung mga nangyayari sakin. hindi tuloy nila nahuli yung barkada nilang tumabi sakin sa kama habang nag-aaral ako. hindi nila narinig ang sinabi nyang "ok lang 'to". hindi nila tuloy kami nahuli na nagsesex. hindi nila tuloy kami nahuling umulit pa sa ibang pagkakataon. bilang siyam na taong gulang, ano ba ang malay ko sa tama at mali? bilang siyam na taong gulang, ano ba ang laban ko? bilang siyam na taong gulang, ano ba namang maulit yung nangyari sakin nung 4 years old pa lang ako? nangyari na yun dati. yung kapitbahay namin sa Maynila. ganun din naman. pamilyar na yung ganung eksena. baka ganun naman kasi talaga dapat maranasan ng isang bata. ewan.
constant pa rin ang paglipat lipat ng tirahan. pero ako na lang mag-isa. maraming kamag-anak ang nag-effort na patuluyin ako sa bahay nila para madisiplina at ma-guide nang husto. lolo at lola ko kasi nasa Maynila pa nagtatrabaho, so pinaalaga nila ako sa kapatid nila. may culture shock pa sa simula dahil iba yung nakalakhan ko sa mother side. para kasing araw araw may burol sa bahay eh. parang pagcor. mahjong, tong-its, pusoy, bingo. sumasali ako dun at nananalo. kaya minsan di nako pinapasali. sayang daw kasi ang Tong na makukuha nila sa mga patron. nagbabasketball na lang ako sa maliit na ring ko sa garden.
nung nalipat ako sa mga kapatid ng lolo, natuto akong magsuot ng tsinelas kahit sa loob ng bahay. ipapako daw kasi nila yung paa ko sa tsinelas pag nahuli akong nagpapaa. nahuli din akong naglalaro ng playstation pag lunch break at after class kaya tinanggalan nila ako ng baon na pera. baon na pagkain na lang.
pagtuntong ko ng first year high school, bumalik ako sa pamilya ko sa mother side. pero iba na ang gawi ko sa buhay. ayoko na yung ingay ng mga sugarol. ayoko na sa makukulit kong kapatid dahil hindi ako makapag-aral. sobrang baba ng marka ko sa klase. pano. ako nagbabantay sa mga kapatid kong nagsisimula nang maging makulit. lahat kasi busy sa mahjong. nanay ko di mahanap kung asan. ay. ilang buwan na pala syang istokwa sa kugn saan saan. so ako na ang hindi busy. umiiyak akong tumawag sa Maynila para kausapin ang lolo at lola ko na palipatin nako sa Tita ko (father side) para kasama ko mga ka-close kong pinsan. hindi ko kasi alam kung estudyante ba ako o babysitter nung mga panahon na yun. nasa tabi ko yung ibang tao sa bahay habang nasa telepono. pilit nila akong pinagse-stay at sinasabing hindi daw ako gusto dun sa kabila dahil magiging pabigat lang ako. hindi ako naniwala. kelangan ko talagang umalis dun.
nasunod naman at nakalipat ako ng bahay. marangya ang pamilya ng Tita ko. yung asawa nya kasi engineer sa Abu Dhabi. may playstation sa bahay. may dance revo. may PC. may roller blades. may katulong. may kotse. may sari-sarili silang kwarto lahat. kapalit ng pagse-stay ko dun, syempre kelangan kong tumulong sa mga gawaing bahay. nakakahiya naman. binibigyan rin ako ng Tita ko ng pinaglumaang damit ng mga pinsan ko. wala akong kabinet. may carton lang akong pinaglalagyan ng lahat ng gamit ko. pag naggogrocery, sinasama din naman nila ako. binibilhan din ako ng chips, mga isa o dalawa. ayus na yun kesa sa wala. masaya ako dito kasi may sistema. kasi may disiplina. kasi natuto akong magpakumbaba. kasi natuto akong mangarap nang matayog. syempre maraming beses na mararamdaman mo na outsider ka. na sabit ka lang. na hindi lahat ng nakukuha ng pinsan mo, eh makukuha mo rin. pero sobrang bait ng pamilyang 'to kaya't mahal ko sila.
di naglaon, nagretire na ang Lolo ko sa Maynila. bumalik na sila sa probinsya at kinuha nya na ako nang tuluyan. di ko akalain na mararanasan ko ang batas militar sa 21st century. ang anumang sabihin nya ay batas sa bahay at sa buhay ko. hindi mo magagawang magdahilan kung ayaw mong makarinig ng "hijo de puta", "pesteng yawa", "walang kwenta" and the likes. hindi naman sya namimisikal. maliban sa isang beses na nalimutan kong i-lock ang gate. halos masira ang pinto ko sa kwarto nung makita nyang hindi locked ang gate. pinagbuksan ko naman at pupungas-pungas pako ng mata. nagsisisigaw na sya at hinatak nya ko sa gate at tinanong kung bakit di ko nasara. sabi ko nakalimutan ko. sinikmuraan nyako nang pagkalakas lakas. halos lumabas ang small and large intestines ko. di naman ako naiyak.
ako rin ang naatasan magpakain ng mga manok nya sa umaga 7AM. at sa hapon 4PM. literal na amoy tae yung mix nung feeds. kakamayin mo yun dapat. na-master ko na ang teknik sa pakikipagpatintero sa mga tandang maiwasan lang na matuka. lampas animnapu ang bilang ng manok sa bakuran namin. mahal na mahal yun ng Lolo ko. pag gabi, pag may kakaibang tunog kang naririnig galing sa bakuran, kelangan lumabas at icheck kung ayus lang ba mga manok. isang beses hinayaan ko lang yung pagaspas na narinig ko. pagkaumaga, natagpuang patay ang tandang. sumabit kasi sya sa isang kahoy habang nakatali yung paa nya dun. pinagalitan na naman ako at ako yung naghukay at naglibing dun sa manok. mas mahal nya talaga ang mga manok nya.
bilang teenager, lahat ng posibleng rason ng pagrerebelde ay meron ako. pero ayoko lang. kung maglalayas ako, san ako pupunta? ano kakainin ko? pano ako mag-aaral? gunggong na nga ako sa bahay, gagawa pako ng isa pang katangahan. di bale na. di naman ako alipin dun. may mga inaatas lang sakin na mga responsibilidad. mga 87 yata ang responsibilidad ko. biro lang. di ko na binilang. ganun ang paraan ng lolo ko kahit sa mga anak nya. saka, nakakapag-aral ako nang maayos dun. may typewriter din dun. tahimik. maliban sa tilaok ng manok. at tahol ng aso. at huni ng mga kuliglig. at ang malakas na hilik ng lolo ko. tahimik na yung iba. oo.
Itutuloy.
Oslo
5 weeks ago

6 comments:
saludo ako sa'yo. despite the hardships you've been thru in life, you managed to survive.
unti-unti naming nakikilala si JC nang dahil sa Wimpy Kid story na ito.
Iba pa rin kapag nababasa ang kuwento mo kesa nung kinuwento mo to sakin ng harapan. =( Hindi ko matatapatan ang pinagdaanan mo.
ang hirap ng mga pinagdaanan mo kuya. isa kang survivor! dahil dyan kakantahan kita ng...
First I was afraid
I was petrified
Kept thinking I could never live
without you by my side
But I spent so many nights
thinking how you did me wrong
I grew strong
I learned how to carry on
:D
Papa JC, sobrang nakakrelate ako though okay naman parents ko. pero mas mahirap ang pinagdaanan mo papi. Sa totoo lang, kundi ako nabitin, iiyak na naman ako. :(
TOUGH!
jusmiyo.. huhuhuhuhu naiiyak ako... my gaawwwdddd..... kaloka ang kabataan mo... alam mu un... parang MMK talaga... grabe lang... huhuhu.... :'( kaiyak...
kakatuwa kasi un ang naging inspirasyon mu para magtagumpay ka... haayyyy isa kang mabuting ehemplo bow!!!
sensya na sa aking mumunting komentow... :)
Post a Comment