hallerrrrrr! i'm back. (gaya gaya kay tita trench hahaha!). bilang ni-tag ako ng Dyosa sa 50 Facts About Me, maglilista na din ako. yaan nyo na magfifeeling lang ako na may gustong makakilala sakin. wahahaha! eto na.
50. Mahilig ako sa action movies. Kung saan may habulan, barilan, espadahan, conspiracy theories, etc.
49. Mahilig ako sa Italian food. Gusto ko ang sauce sa pasta ko ay real tomatoes. shalaaaaa!
48. Marunong ako sumayaw nang konting konti lang. :D
47. Mahilig ako sa acting-acting. Naisipan kong sumali sa theater guild nung college pero nagbackout agad ako nung pinagbenta kami ng tickets sa isang play na ang bida ay si Wowie De Guzman.
46. Mahilig ako kumanta pero walang hilig ang kanta sakin. Pag gabi na at tulog na lahat ng tao, saka ako magyouyoutube at kakanta nang pagkalakas lakas. hahaha!
45. Gusto ko magtravel pero takot ako sa turbulence sa eroplano. Pag nagkaka-turbulence na, iniisip ko magkacrash na ang eroplano at napapadasal ako. hahaha!
44. Isa sa mga pinakamasayang travel na nagawa ko ay nung mag-Eurotrip kami sa Paris, Rome, at Spain.
43. 19 years old ako nung natanggap ako sa una kong trabaho. Nagskip kasi ako ng Prep kaya advanced ako ng 1 year.
42. Honorable Mention ako nung gumraduate nung High School.
41. Nakatanggap ako ng scholarship sa DLSU.
40. Paborito ko ang Math nung elementary at high school pero bopols nako nung college. hehehe. grade ko sa calculus 1 at 2 ay 59.9 at 60.4, respectively. pasado ang 59.9 dahil binabaan ng prof ang passing score. swerte! LOL.
39. Hindi bumababa ang average ko ng 87 nung elementary at high school pero nung college eh wala na akong pakialam basta umabot ako sa 2.0. haha. (0.0 lowest, 4.0 highest)
38. Hindi ako nahilig sa computer games. School-bahay lang ako nung grade school and high school.
37. 7PM ang curfew ko nung high school. Bawal ako lumagpas, or else, sa labas ako ng gate matutulog. Disciplinarian at authoritative ang nagpalaki sakin kaya bawal pumalag. Heheheh.
36. Religious Coordinator ako ng Student Council nung high school. Amen!
35. Parang babae ang handwriting ko. Kung ang Hogwarts ay School of Witchcraft and Wizardry, ang grade school ko naman ay School of Penmanship. lols. Maraming lalake sa school na namin na mas maganda pa ang sulat.
34. Hindi ako lumaki sa aking mga magulang. Lolo's and Lola's boy ako.
33. I'm a leftie. Pero di ako nangangaliwa. sabehhhh??? LOL.
32. Hanggang salita lang ang panglalandi ko. Wholesome na wholesome ako sa personal. CHING!
31. Na-expose ako sa M2M sex sa edad na 4. Kaya ganito ako ngayon marahil.
30. Nainlove ako isa kong Chinese friend pero hindi ako nanligaw kasi mejo strict ang parents nya sa mga hindi Chinese kahit na Chinese ang apelyido ko. ayoko nang bumuo ng Mano Po part 6 no!
29. Turn off ako sa taong madumi ang kuko sa kamay at paa.
28. Ayokong nagshoshortcut sa text at sa kung saan man. Naiirita ako pag nakikita kong ginagawang O ang zero.
27. I am the eldest. I have 3 younger brothers.
26. Ako nagpapaaral sa mga kapatid ko.
25. Never ako nagkaron ng branded na gamit hanggang sa gumraduate ako ng college.
24. Ambisyoso ako. Madami akong pangarap.
23. Wala pa akong savings. LOL.
22. Mapasensya ako sa tao. Hindi ako mabilis magalit. Pag mainis man ako, mga 1 minute lang. Hehe.
21. Ayokong ginagawang kumplikado ang mga issues sa buhay. Para sakin, dapat simple at magaan lang ang pagdala natin sa buhay. Pag may problema, wag iwasan, kumprontahin at resolbahin. "let's get this over with" ang motto ko sa mga bad vibes. hehehe. or pwede ring "kiburlah" na.
20. I have a tendency to shove my opinion down people's throats. Paminsan sobra ang pagiging madaldal ko. I need someone to tell me to stop. Sana in private para di naman ako mapahiya. wahahahaha!
19. Tahimik lang ako pag bago ang mga kasama. I don't wanna come off as feeling close.
18. Mabilis lang ako patawanin.
17. Hindi ako usually matatakutin. Pero mabilis ako magulat. hehe.
16. Takot ako sa matataas na lugar. Pero sinusubukan ko at least once sumakay sa mga nakakalulang rides.
15. Takot ako sa ahas at anumang reptiles.
14. Hindi ako pisikal na tao. Hindi ako kailanman nasangkot sa sapakan, tadyakan, rambol, sabunutan, sampalan, kurutan. Pinaka-bayolente kong nagawa ay binato ko ng unan ang pinsan ko. LOL.
13. Hindi normal sakin ang sobrang tahimik. Pag tahimik nako, ibig sabihin may problema. Kahit sabihin kong ok lang ako. Hehehehe.
12. Mabilis lang ako maka-getover sa bad vibes. tatahimik lang ako ng ilang minuto tas ok nako.
11. Ayoko sa sobrang EMO. I can say that I am a good listener, pero pag paulit ulit kang nag-eemo ng iisang problema, di bale na. Saka na tayo mag-usap.
10. I am a Kyla fan. Nung lumabas ang Hanggang Ngayon, humanga ako sa kaibahan ng boses nya among other artists. Yun din ang unang beses na nakarinig ako ng Pinoy na nag-a-RNB.
9. Guilty pleasure ko ang Pop songs.
8. Pero pinaka-idol ko sina Jason Mraz, John Mayer, James Morrison, at Adele.
7. Adik ako sa mga TV Series. Ilan sa mga sinusubaybayan kong series ay: True Blood, Chuck, Modern Family, Fringe, House, Grey's Anatomy, Lie To Me, Royal Pains, Gossip Girl, Glee, The Walking Dead. Dati ko ring nasubaybayan ang: Heroes, Dollhouse, Greek, Jericho, Traveler, Prison Break, Flash Forward, One Tree Hill.
6. At 5'11", I used to weigh 125 lbs. 26" yata ang waistline ko nung gumraduate ako ng college. Awa ng Diyos, ngayon I weigh approximately 165 lbs na. :D
5. Puro puti ang briefs ko. May isa akong gray boxer briefs.
4. Lagi puno ang bulsa ko. Left pocket: Panyo, selpon. Right pocket: Coin purse, Lip balm. Back pocket (left): Gatsby oil control POWDER (wahahahaha!). Back pocket (right): Wallet.
3. I have hyperhidrosis kaya I don't like being under the sun for so long coz I sweat a lot.
2. Tamad ako usually. Sleepyhead. Pero pag sinipag ako, OC ako. hehehe.
1. I love Baabaa very very much. He's amazing.
(Ma/Pa/Ka)Hirap
2 weeks ago


24 comments:
eh di ikaw na ang matalino!
ikaw na ang model student!
ikaw na lahat!
lol
apir sa boplaks sa math! hahahaha
aray sa 28, eh di nairita much ka saken?
kapag mapapaaway ako, hinding-hinding-hindi kita tatawagan.. mukhang manunuod ka lang sa eksena haha
19... nahiya naman daw ako.. hahahaha FC na ko txt pa lang..
may mga branded akong damit.. :-" branded galing sa ukay bwahahahahahaha.. kapag umakyat ang presyo ng 100 namamahalan na ko.. sorry naman.. poorita ever at praktikal lang. hihihi
tama na nga.. this is not about me! :P
nga pala.. wag monday and wednesday ha... masisiraan ako ng ulo kung madadagdagan pa ang sked ko ng dalawang araw na un pramis.. baka mangayayat ako.. hahahahaha
good night!
syet ang ganda pala ng sulat kamay mo! impressive!
apir tayo sa #10. she was a former student of my sis.. she studied at San Sebastian college nung HS. nakita at nakausap ko na siya in person...kaya feeling close lang.. lols
peram ng True Blood!!!! hahaha
.
.
alam mo yan! adik ako dyan. sana lang may time para manood. kainis. o sana may Trueblood application sa nyelfone o pwedeng manood sa cellphone para anytime anywhere.
.
.
season 1 pa lang ako eh. yung season 2 and 3 eh halos alam ko na dahil sa spoilers ng mga buraot kong barkada. hmpf!
grabe ung number 7! Ilan sa mga sinusubaybayan kong series... ang dami na ng nilista mo considered as ILAN pa ung mga un! hahahahaha. nice one!
ang sweet ng number 1! un un eh magaling ka magpakilig. eeeeeeeeeeeee.
47. dami talagang ka-ek-ekan/pakulo ng Harlequin sa mga baguhan.
46. ganda kaya ng boses mo dun sa recording mo for baabaa. :)
44. tutyal!
41. Animo! Live Jesus in our Heart, Forever! :)
36. kaya pala virginal! :p
35. Anong font 'yan? :))
33. Apir!
31. O_o
26. ulirang kapatid.
9&8. magkakasundo tayo, sir jc!
1. Sweet!
-----
glad that you were able to give us a sneak-peek of your life, sir jc.
Yanah: ok lang yun no. mga 1 minute of irita lang. tas ok na. hahahaha!
fafafafox: tuhmuh ka jan. taga baste nga sya. galing! small world. :)
dB: malapit na magstart ang next season, bilisan mo naaaaaaaaa!
Nimmy: di ako masyado adik dibey?? lols.
yuan: apir! :)
waaaaaaaaaah, kayo na ang sweet! Sabay pa entry niyo! Kakaloka! haha
Natawa ako sa 14!
Ang yaman! Nakapag-EUROTRIP! Hehehe. Pangarap ko rin yan. :D
Sa lahat ng fifty, dito ako nakarelate ng bonggang bongga. :)
iurico: nung isang araw pa yung kanya fafa. haha. gaya gaya lang ako.
empi: bilang may official business naman ang work doon, sumideline ng euro trip. hehe.
dH: hmmm.. bakit kaya? :)
Hanggang Ngayon. Kinanta ko yan for our music class nung elementary. Hahaha.
bongga! got to know you more here....
pasalamatan ang dyosa sa tag! hehehe
Hahaha! Love reading this. =)
WV: Forkiri (may ganun talaga?) choz.
Ryan: nice! sample naman jan! :D
Bloigg: tuhmuhhhh!
MsChuni: oy salamat naman. hehe.. :)
wow niceee..... :)
sa saint paul's ka ba nag aral? parang madre sulat mo ah! hehe :))
anyway, two comments lang: oo, mahal na mahal na mahal ko din si kyla, at ang swerte naman ni baabaa.
more power to kyla and baabaa! hehe :)) more, more posts kuya jayseeee!
Panalo ang number 1. Umabot hanggang dito sa place ko ang hairlalu ni baabaa!
I can attest to #19. I didn't mean to hog the conversation. One of my quirks is that when I'm uncomfortable with a situation, I cope by talking. Ask Joms. Although, admittedly, I am verbose by nature; when I'm really enjoying the conversation and/or the topic, my tone differs.
egG.: salamat!
claudiopoi: ganyan ba sulat ng mga madre? hahaha! huwow! apir for kyla! :D
Papa P: pakitirintas please? lols.
red: it was nice meeting you, red. :)
ganda ng sulat mo. nahiya ako sa penmanship ko. hehe! and what about M2M at the age of four? thats shocking! well still explainable coz you were in phallic stage that time. talagang i typed my comment in full text because you hate shortcuts kahit phone lang ang gamit ko now. hahaha
^let's blame it to the pedophile who lives next door.
thanks krn! i appreciate you dropping by hehe. :)
magkatulad pala tayu ng handwriting! chos! haha
hate ko si Kyla! haha Kontra lang sa 50 mo. hehe
Love ko din si Baabaa mo. jaja
Nanunuod din ako ng true blood at chuck.
at saka parang di ka naman madaldal ah. ahaha
friyend NKKLK naman ang pagka 5'11 mo. melanie marquez a la long legged-ness! haha
Natuwa ako dun sa mga laman ng bulsa mo. Lalo na nung nabasa ko yung oil control, powder etc. Ang vain lang. Pero nakakaturn on din kase ang linis mo sa katawan. Hihihi.
Post a Comment