May 2010
Hanep. Daming bumati sa birthday ko. Maya maya, sa isang internet forum, may nagsend ng private message, happy birthday daw, may kasama pang link para sa isang recording ng kanta ni Eric Benet na The Last Time. Takte, sino 'tong taong 'to? Malamang nabasa nya somewhere dun sa internet forum na paborito ko nga ang kantang 'to. Nung pinakinggan ko, taranginang yan, baket oh baket mo sinira ang kanta??? Bilang pasasalamat sa pagbati, nagreply ako ng simpleng pasasalamat. Tapos, binura ko na agad ang message, wala akong iniwang bakas. Hehe.
Ang The Last Time ay isa sa mga all-time favorite kong kanta. Dudugo na ang tenga mo kakapakinig nang paulit ulit, sakin eh musika pa din. Gusto ko sa kasal ko, eto ang itutugtog para sa bride ko. O kung di man kalabisan, baka pwedeng ako na din ang kumanta habang nakatali ang mga guests sa mga upuan nila upang maiwasan ang malawakang walk-out. lols.
Sa mga sumunod na araw ay nanghihingi na sya numero, ym, at fb account. Hindi ako kumportableng magbigay ng mga personal na mga accounts lalong lalo na sa internet dahil hindi ko naman lubos na kilala ang mga nakakasalamuha ko. Matinding pakiusapan pa ang nangyari bago ako napilit na ibigay ang mga personal accounts ko. Sa puntong ito, nakaramdam nako ng mejo awkward na feeling. Hindi ako sanay na ginaganito. Parang sinusuyo na di ko maintindihan. Shit, nililigawan ba ko nito? Sagwa eh.
Samantala isang dating kaibigan naman ang nakakausap ko tungkol sa mga nangyayari, at ang payo nya ay bakit di ko raw subukan makipag-date. Tinanong ko pa sya kung gusto mo tayo na lang mag-date para abswelto nako dito sa new stranger? HAHA! Syempre di pumayag at tinawag akong tarantado sabay tawa.
May 31, 2010
Hindi naging maganda ang pagtatapos ng Mayo para sakin. Kabi-kabilang lungkot, pagod, pagkalito, frustrations ang pinagdaanan ko sa career at personal kong buhay. Siya nakaalalay lang. Isang linggo na syang nanunuyo. Ako, bilang gago at wala sa tamang kaisipan dahil sobrang down nako ay bumigay na. Ginawa ko nang official. Kami na, pero hindi pa kami nagkikita sa personal. Parang tanga lang. Bigla ko naman naramdaman ang love. Corny amp. Pero yun na nga, mahal ko na.
June 2010
June 4 na kami unang magkita. Sabi ko, pwede pa naman magbackout pag di namin nagustuhan ang isa-isa. Hehe. Buti na lang, ok naman ang naging unang pagkikita. Mas lalo pang tumibay ang aming pagsasama sa mga dumaan na araw. Minahal ko 'tong taong 'to nang lubusan at ganun din naman sya. Ise-save nya mga sweet text messages (oh yeah, jologs na jologs), tapos babasahin maya't maya.
Mga bagay na ayaw ko, (1) sobra kung maka-selos. Ultimo kaibigan ko, pinag-selosan, tumawag sakin nang umiiyak sa sobrang selos. WTF? (2) Meron syang alter-ego sa internet forum. Parang ibang iba sa kung pano sya sa personal. Sabi nya outlet lang daw nya yun. B*tchy at mataray at parang war-freak. Di ko makuha yun, nawi-weirdohan ako. (3) Medyo fashionista manamit. I'm a shirt-jeans-chucks kind of guy, naalibadbaran ako sa punit punit na jeans na pinutol para maging tight-fitted shorts! .. pati na rin sa pointed shoes lol. (4) Mejo madikit pag nasa mall (5) Magkaiba ng mga trip sa buhay, umiinom ako, sya hindi, iba relihiyon nya, iba sakin, mahilig ako sa RnB/Urban music, sya ballads. Halos walang mapagkwentuhan. Di ko magawang ituring syang tropa o di kaya'y kasama sa mga kalokohan dahil mejo magkaiba nga kami.
Dagdag pa dito ang conflicting schedules sa trabaho, halos nawalan ng panahon. Napagod ako kakatext at tawag. Napagod ako sa mga issues nya sa buhay nya. Napagod ako sa issues ko sa kanya. Napagod ako sa double life. Napagod ako sa issues ko sa sarili ko.
June 29, 2010
Tinext ko. Sabi ko I think it's not gonna work out. Gusto ko sya kausapin personally, pero tumanggi sya. Kung tutuusin, ako lang naman yata ang nagkaron ng problema. Di ko lang napanindigan yung pinasok ko. He was perfect.. maybe for someone else. I think he deserves someone better. Habang ako hagulgol ng parang timang sa banyo habang naka-on yung tubig para hindi halata. Background music ang "First Love" ni Adele. Araykupo! Hehe.
Nung naging kami, sabi ko sa kanya hindi ko alam kung tatagal yung nararamdaman ko sa kanya. Baka overnight lang 'to. Update na lang kita bukas. lols. Gusto ko nang sulitin yun habang nandyan pa. Tinanggap naman nya. Halos araw araw sinasabi ko sa kanya kunwari, "hoy, 17 days na kitang mahal", tuwang tuwa naman ang mokong. Pero sino mag-aakala na sa 29th day pala eh magigive-up na agad ako? Hindi dahil hindi ko na sya mahal, kundi dahil hindi ko lang mapanindigan ang relasyon. :(
My first and only gay relationship to date.
What have I learned? I acted on impulse and I wasn't thinking straight (no pun) which shouldn't be the case because in serious matters such as a "committed relationship", know what you're getting into and make sure that you can stand by your decision. Take things slowly. The "Dating" stage is important, do not skip that. Hahaha! My next would probably be with someone who isn't just a partner, pwede ring katropa, kasabwat sa kalokohan, at magaan kasama. ;)
Good news good news! We're still friends. He's leaving for the US this Friday para magbakasyon. Next year na yata balik non. As for me, steady lang muna. Single is sexy! (sabi ni Karylle sa isang billboard ng Bench LOL)
Anicca
2 weeks ago

14 comments:
bad boy ang appeal mo kuya ah. hehehe
Nimmy: waaaah! sa pagkakasulat lang siguro. pero good boy ako. hehehe.
talagang well documented pa ha..
pero sabi nga.. ang first talaga.. unforgettable.. hahaha..
ganun din ako.. unforgettable din.. yun nga lang.. di ko na kailangan i document.. nasa utak ko na yun.. di na mabura..hehehe
at least you gave your relationship a chance.
.
.
others weren't as generous as you
.
.
i was referring to this man who actually shares something common with you =p
fox: tamis ng unang halik? haha!
DB: aww.
"hoy, 17 days na kitang mahal"
ibang klase. haha
hmmmm..ayoko munang mag comment pero may idea ko kung sino ito..di ba jc? yon oh!
Uy nakarelate ako!!!
alterjon: mejo pa-sweet naman yung tono ko jan. hindi yung barumbado. hehe. :p
mb: ano ba talaga koya? ayaw mo ba munang magcomment? nagcomment ka na eh! hahaha!
mugen: oy oy oy, i-blog na yan! lols.
JC, ang importante, natututo ka sa mga nangyari nung nakaraan. Palagi ko rin sinasabi ayn sa sarili ko, paulit ulitpa din. Matigas ulo ko e. Pero at least alam ko, ako rin naman ang mahihirapan kung di pa ako matututo.
May nameet na rin akong ganyan. Minsan ibblog ko ang istorya naming dalawa, kapag hindi na masakit maalala pa. Sakit pa e, pero naghihilom nanaman ang puso kong winasak ng isang tang-araw nung isang taon. Ay last year lang pala 'yun.
May hindi akong makakalimutang linya na sinabi ko sa kanya sa sobranggalit ko... "bakla ka na nga, hindi mo pa kayang magpakalalake sa mga sinasabi mo!"
Pero totoo... hindi man natin sadyang manakit, may mga pagkakataong, nawawala ang pag-ibig natin sa isang tao, dahil hindi natin mapanindigan ang ating mga desisyon o nararamdaman.
Huwag sanag umamama loob mo sa akin, JC. Hindi kita inaaway. Nagkataon lang na pareho kayo ng pinagdaanan nung taong bumasag sa pagkatao ko.
canonista: ayos lang. hehe. salamat sa pagbahagi ng komento. really appreciate it. :)
@canonista
"bakla ka na nga, hindi mo pa kayang magpakalalake sa mga sinasabi mo!" like it
sweet neto.... panalo yung
"17 days na kitang mahal"
lufetttt...... at least kahit di nagwork out.. minahal mo siya di bah....
happy halloweeennn :)
katuwa naman yung sinabi mong NEXT partner would be...
katropa
kasabwat sa kalokohan
magaan kasama...
parang bestfriend.... lol
kaya kung me bestfriend ka... malay mo SIYA na pala ang sunod lol :D
Post a Comment