"Scalpel", sabi ng quack doctor sa assistant nyang taong grasa. agad agaran namang sinunod ng nagmamarunong na taong grasa ang utos.
May taong nakahiga sa operating table. Walang malay. Patay na ata. Ay, humihinga pa pala. Mukhang may feeling of excitement. Excited ba 'to mamatay? O excited sa torture? Ay, mamamatay pa rin pala sya sa torture, pareho lang.
Hiniwa na ng quack doctor ang chest nung tao through his ribcage. Dahan dahang binuksan ang pericardium para matanggal na ang heart. Bale, sa view ko, iniwan ang back part ng left atrium, pero the rest kinuha nya na.
"Ahhh", sabi ko, heart transplant yata ginagawa dito. Excited yung pasyente na mapalitan yung problematic heart nya. Pero weirdo ng procedure. "Tanga, quack doctor nga eh", sabi ng subconscious ko. Hi guys, ako pala ang omnipresent narrator. Oh focus na ulit dun sa transplant.
May nag-iintay na tao dun sa labas. Siya yata ang donor. Stig, parang kinuhanan lang ng dugo ah, ok na sya agad. Ang malupit, kinuhanan lang sya ng isang parte ng endocardium, epicardium, at myocardium tas ok na. Sabi ng doktor, ayos na daw yun, magreregenerate na lang daw yun into a heart, parang yung sa liver. Di raw sya nangiistir.
Oh edi eto na, nilagay na ng doktor yung mga kelangang isaksak dun sa puso nung now-unconscious patient. Matapos niyang makumpune ang bagong heart, agad nagregenerate ito. Parang kung pano maghilom ang mga sugat ni Wolverine sa X-Men. *shiiing* *shiiiing* (sound effect ng adamantium claws). Naghawak kamay ang quack doctor at ang taong grasang assistant. Sabay silang nananalangin na sana mag-beat yung heart. Nabasa ko dati sa paketbuk na ganun daw dapat mangyari para masabing successful ang transplant.
Ah pota, nagbeat nga! "Ok, let's close this up!", sabi nung quack doctor. Hanep, may ganung linya. Feel na feel. Hehe. Pagtapos, nagising na ang pasyente, tumayo at naglakad palabas. Ako bilang omnipresent narrator, kinilabutan kasi bakit parang nagpagupit lang sa barbero ang asta nitong pasyente? Labas agad sa operating room. Wahaha. Gago lang.
Nagpasalamat sya dun sa donor nya sa labas.
"Tsip, salamat ah!"
"Ingatan mo yan. Wag mo babagsak, baka mabiyak."
"Nasa loob ng katawan ko pano mababagsak, ungas."
Sumakay na sila ng bus. Di ko na sinundan, ordinary bus eh. Ew.
Anicca
2 weeks ago

13 comments:
If only healing a broken heart could be this easy.
Hay! sana ganito lang kadali magpalit ng puso ang mga sawi sa pag-ibig. ):
sige mag cardiothoracic surgeon na lang ako. libre pa. :P
ryan & mb: it's possible! heheh.
ced: naku doc, pasensya na kung may mali sa mga sinulat ko. human anatomy lang inabot ko. hahaha!
hala..nalawayan ka na pala ng isang engkanto!!! mga taksil!!! bwahhaha :P
papa solts: kahit may "bwahhaha :P" ang comment mo, alam kong nasaktan kita. patawarin mo ko. ikaw pa rin ang humahawak ng malaking parte ng puso ko. bawi na lang tayo ha? mwah mwah tsup tsup!
AHAHAHAHA! ching!
Tapos na ang palabas! nyahahahah. Ano nga kaya't totohanin na kaya natin JC?
Takasan natin si Sgt. at Arms.
ching!
ahahha...ayan kasi gusto nyo kong inggitin kaya ayan meron kayong anonymous email sender bwahahhaa..
pero imo, di kayo dpat mag apologize, maloloko nman talaga tayo at di dpat sineseryoso ahahhaa...:P
ching!
seryoso kami ni papa p sayo papa solts. HAHAHAHAH! ching lang. lols. buti wala akong hate mails. hahah.
papa soltero: gusto mong ulit-ulitin ko sau ang comment mo kanina? eto......
"MGA TAKSIL !!!"
tumbling kami ni Fox, nasa taas kami ng building, kumakanta ng.......... cutie pie, cutie pie.
hahahaha.
Nice story. Naging sila na ba nung donor? Ahaha
wala ako naintindihan... lol
ayos ha. hehehe! parang nagpagupit nga lang sa barbero. hehehe! nakakatawa naman tong post.
halatang ikay may angking talino.
Post a Comment