Recent Posts

Tuesday, December 21, 2010

kung ano ano lang #4

hello! may blog pala ako.. hehe. di ako nakapagblog dahil apektado ako.. sa awayang Sarah Geronimo at Cristine Reyes. bakit ba sila nag-away? lols. biro lang. naririnig rinig ko kasi usap usapan sila dito sa opis.

anyare? dumami ata ang ganap nung nakaraang linggo bilang nakadalawang rotation na ang ert sa axis eh dilat pa rin ako. nagsimula nung sinabon kami ng bossing nung Lunes. bakit daw hindi pa tapos ang deliverables? magtu-2 weeks na. ayaw ba daw namin mag-Pasko? ayaw ba daw namin magpahinga? paabutin pa ba daw 'tong project na 'to ng 2011? sumagot ako, "uhmmm, ok lang". ching! syempre di ko na sinabi yun. eh kung bigwasan ako nun? ang reaksyon namin... edi anufaaa, edi wala. NR (no reaction). LOL. yung mata nakatingin sa bintana, iniiwasan makasalubong ang mga mata ng bossing. hahaha.

nag-ultimatum si bossing. "tomorrow morning" ..when you wake up.. chos. "i need all deliverables from the first batch, done! wednesday morning, all deliverables from the second batch." KABOG. pak na pak! dahil sa takot na hindi makapag-Pasko, agad agad ko namang tinapos ang aking mga gawain hanggang sa inumaga nako sa aking workstation. not once, but twice akong inumaga. habang ako'y nagtatrabaho, naalala ko ang Agua Bendita at napakanta ng "...malayo pa ang umagaaaaaa, di matanaw ang pag-asaaaa.. hanggang kailang matitiis ang paghihirap ko..". char char lang.

na-realize ko na ako lang pala ang nagpapaumaga sa team namin. ampair! yung team lead ko kasi parang siyam na buwan nang lutang. pag nagmimeeting parang incoherent ang mga sagot nya sa mga topics. mabagal na pick up. mabagal din magsalita na parang "loading..". di naman sa panglalait pero ganun talaga sya. siguro dahil sa pagod na rin halos araw araw na overtime. di ko lang minsan maiwasang isipin, na may epekto sa utak nya ang hobby nyang scuba diving. feeling nya nasa tubig lang sya. lutang.

ang BA (Business Analyst) naman namin ay na-ospital. unang dahilan nya ay "Food Poisoning". utuuut nya! pano, simula nung nakita yung commercial ni Anne Curtis ng Magnolia Lifedrink na naka two-piece bikini ay nagcrash-diet si ate. di kumakain nang tama, tas di rin mahilig uminom ng tubig, di kumakain ng gulay, nagyoyosi, inom kahit weekday. oh ede sya na. sya na ang tanga. chos. hehehe.

pumasok ako thursday sa pag-aakalang maki-clear na lahat ng deliverables ko. na-late ako ng mga 6 hours. oo, papasa pa pong late yun sa amin basta magrender ka lang ng 8 hours. hehehe. and then tantararaaaaan! ako lang ang present sa team! naka Emergency Leave ang bossing, Sick Leave ang team lead, Sick Leave ang BA. badtrip. wala potah. drawing na ang bakasyon. umuwi na lang ako sa bahay after a few hours. hayst.

buti na lang nag Banchetto kami nung friday. pers taym ko magpunta dun. aligaga me. di ako nagdinner. eh biglang nalaman kong 12mn pa pala nagsstart yung Banchetto. lol. pucha, gutom mehn. pagdating dun, daming tao. ang daming pogiiiii! head-turners.. hahah! siksikan nga lang.. ayoko pa man din sa masikip. ayoko sa mabaho. ayoko sa maputik. CHAAAAR! umabot kami sa kadulo-duluhan wala pa rin kami mahanap na kainan. ang ending. yung ginormous burgers sa kung saan kami pumasok. ampf. dun din pala, nagpakalayo layo pa kami. lols.

walang lasa ang burger. pero lubos na pasalamat sa ketchup, mayo, mustard, nagkaron sya ng lasa. find your own spot pala ang eksena dun sa banchetto dahil walang upuan maliban dun sa dulong street. naupo kami sa sidewalk katapat ang isang kotse at dun kinain ang aming burgers. nang biglang may kumalabog sa ilalim ng auto at may lumabas na pusang excited sa harap namin. nagulat ang mga gurls na papadaan sa sidewalk. natawa ang aking kasama. buti di daw ako tumili. HALLERRRRR, di naman ako eskandalosa ano??? mas nagiging mhin pa aketch pag nagugulat. mejo malutong ang mura. hihihi. round 2 sa banchetto! crepes! tsalaaaaaap!

naalala ko yung college days kapag marketing week, kanya kanyang benta ng mga kung ano ano.. parang ganun din pala ang set up dun. kakatawa mas nagmukha pakong tindero sa iba dun. sorry naman. kayo na po kuya ang may sparkling white teeth, rosy white cheeks and flawless skin. TSE!

aba, tyaga mo ah.. umabot ka dito kakabasa. lols. wag ka mag-alala, matatapos na 'to. yun lang naman. actually di ko lam pano tatapusin 'tong blog entry na 'to. magugulat ka na lang tapos

32 comments:

Ms. Chuniverse said...

Hahaha! Aliw ka!!!

casado said...

hahaha at SINO ang ksama mo sa Banchetto?? hihihi...:P

CHARR (na malutong!)

Eternal Wanderer... said...

ay, macheck out nga ang banchetto. for the boys heehee

fox said...

parang alam ko kung kelan to at sino kasama mo!!!. ching chiring ching ching!!! lols

James - M.I. said...

Out of topic to sa selosan na nagaganap sa taas ha...

Ano yung deliverables sa work nyo? Just asking. :)

Nimmy said...

ay.. parang ikaw ata ang lutang kuya ah. hehehe

maraming upuan sa park at sa coffe bean. tahimik at malinis pa dun. hihi.

jc said...

Ms.Chuni: oo, panandaliang aliw. haha!

papa solts: puro ka sino sino sino! hahahaha!

ternie (nabasa ko lang sa blog ni papa solts): it's worth visiting. you'll like the experience fo sho! hehe.

papa fox: tseeee! lols.

MI: mga programming stuff. hehe.

Nimmy: dami kayang tao dun sa park, dyahe. at ayaw namin sa coffee bean dahil nagtitipid kami. hahahahaha.

eMPi said...

hindi ako nagulat na tapos na pala ang entry na to. Lol!

Sinulit mo rin ang pag susulat...ilang araw kang absent sa blog mo? Lol!

Bayad na yata to sa habang na update mo. :D

Maligayang Pasko, JC!

my-so-called-Quest said...

ikaw na ang busy! haha

oks lang yan basta bibigyan nyo ko ng christmas gift ni... ni... ni... hahaha


at gusto ko pumunta ng banchetto! para masabing marami talagang cute dun dahil, i belong? toinks! hehehe

Mugen said...

Hula ko yang burger na yan eh resulta ng Takaw Tingin. Wekekekek.

casado said...

rolleyes (chanelling Papa P/Dadi fox) ako dun sa comment sa taas ko..bwahahhaha :P

Anonymous said...

may hunch din ako kung sino ang kasama mo sa banchetto. mataas ang percentage na tama ang hunch ko. LOL. hahahaha

jc said...

empi: sows! gusto ko pa man ding magulat kayo sa ending. lols.

doc: payn payn! ikaw naaaaaaaaa! hahah!

Mu[g]en: mukhang sulit kasi pag tinignan eh. hehe.

papa solts: atribida ka talaga. hmpf. di ka na sweet. ay nako.. lols.

Jepoy: manghuhula? manghuhula? daan ako sa pwesto mo dun sa quiapo mamaya, magpapatarot ako. hahaha!

Anonymous said...

Kung ako ang boss nyo, WALANG TULUGAN !

Oo, 3D3N kami noon sa office, para kaming si Bill Gates. Pizza at soda lang ang kinakain for 72 hours straight!

Sr. SA ako noon. At kapag nagdeklara akong walang tulugan. Oo, walang tulugan! Quesehodang pamilyadong tao ka na may dalawang kabit.

I miss those days. Hahahaahah.


- PILYO

jc said...

^ had you been my boss, i would've questioned your project management. working 72 hours straight diminishes productivity, thus sacrificing the quality of the deliverables. your people need rest. an exhausted resource can't work at its maximum skill.

and besides, if you had planned the tasks well and projected conservative estimates on the schedule, you won't need to go 72 hours straight. unless you have incompetent resources under you, which you should've gauged early on already.

;)

RainDarwin said...

Those were the days when our system screwed up by unknown virus, we had no other option but to keep an eye of those malicious worms that decelerates system performance and the worse, destroying our back up files. We did preventive measures to put off further damage and the least we can do is to be in the office for the whole time while preventive maintenance is underway. Even our counterparts in UK and US did the same. Maybe exag lang ako pero yes, naiidlip kami once na hindi na kaya pero we had to wake up when things escalate.

We don’t deal with deliverables or similar with that. Our focus is the system as a whole that may destabilize the whole operation in the main site including satellites. Remuneration is not an issue nor overtime pay, it’s a work commitment , devotion and fulfillment that we aspire for when everything turned out well.

CHEERS. Papa JC. Kaya mo yan hahahahaha. Mas mahirap nga ang SA. Kaya nga nag-resign na ko eh hahahaha… eto churva na lang maghapon hahahahaha.

jc said...

^ chusera ka papa p. bakit english???? wala nako baon kalokah. magbaklaan na lang tayo ulit pwede? pahawak ng abs! lols.

(magkaiba pala tayo ng nature of work.. meron palang generation gap. CHIIIIIING! hahahaha!)

Bloiggster said...

HANGHABA NG blog! aksaya sa oras ang pagbabasa! LOL

@rain: feelingerang inglesera! LOL

c - e - i - b - o - h said...

feeling ko kung hindi ako nagulat na tapos na,, more more pa rin,,, heheh

aliw much!!

RainDarwin said...

Kiburlah. Bakit nga ba nag-english aketch? bwahahahahah!

Di nga pala ako aketch nag-eenglis sa blog, kasi i find it so girly.

stone stone in heaven when hit don't get angry...

ching !

jc said...

^ utuuuuuut.. lols.

Anonymous said...

JC,

I had fun reading. Sama nyo naman ako next time dyan.

Cio

jc said...

^ sige ba, foodtrip tayo next time!

Anonymous said...

Cio,

ROLLEYES. Mag-aral kang uminom ng marami!

Para makasabay ka sa dalawang JC! bwahahahahahaha.

PILYO

Anonymous said...

Jc,

Wag nating isama si Papa P para walang magulo. Lols. Di ko pa kayo naka bonding.

Pilyo,

Gago ka. Haha.

Cio

Mikel said...

weee. :) naexperience ko rin magmukang tindero dun...haha i didn't belong.lol

Anonymous said...

Cio,

ROLLEYES AGAIN.

Fine! humanda ka pag nagkita tau, may suntok ka. Makapag-welding na nga !!!


- PILYO

Anonymous said...

pasali sa mga nagcomment! hehehe :)

jc said...

bloigg: TSEEEEE!

ceiboh: haha tenks!

ryt: naks. LOL!

Mr. Chan: ayan, kasali ka na. hehehehe.

Papa P & Cio: sige, lambingan lang kayo jan. lols. hahaha!

Sean said...

natapos nga bigla. pero tuloy ang saya sa comments section haha!

iurico said...

taray ng banter sa comments' section. haha

Magba-banchetto din ako pag-uwi ko jan bukas. haha

(bakit hindi ako maka-ride sa mga tsismis) haha

jc said...

Sean: haha onga. ;)

PAPA IURICO: (naka-all caps talaga lols) tara sa banchetto! CHING! hahaha..

Post a Comment